PacShet

Kung kailan naman first time ako manood from start to finish at mag-fully pay attention sa laban ni Manny Pacquiao doon siya natalo. ‘Di kaya ako abg malas? Ija-jab ko ang magsasabi ng Oo.

Natalo siya kanina ni Timothy Bradley. Ang tanong, natalo nga ba talaga? Maraming nagsasabi na luto ang laban. Kahit ako na isang hindi boxing expert o fan man lang ay kayang magsabi na akala ko talaga, ang decision ay in favor kay PacMan. He started off strong. By almost midfight, Bradley seemed to be bouncing back and throwing jabs at him but Manny was still giving the opponent his punches. Marami nga ang nakapansin na hindi masyadong nagpakitang gilas si Manny pero marami rin ang nagsasabi na karamihan ng rounds ay si Manny ang nanalo.

image

Bukod sa trending topics na #PacShet #MannyPacquiaoIsStillTheWorldsBestBoxer at #EndOfAnEra, ilan pa sa mga nakapukaw ng atensyon ko ay ang mga reaksyon ng ilang mga becky (gay, bading, bakla) na buti na lang at natalo siya. Beh buti nga daw kasi masyado daw feelingero si PacMan. Sa isang banda, naiintindihan ko ang mga reaksyon nila dahil may panahon rin na hate na hate ko si Manny. ‘Pag may laban kasi dati si Pacquiao, hindi ko magambala ang Daddy ko na mamasyal. Pinagpapalit niya ang bonding time namin para sa boxing. Tsaka nadala rin ako dati sa sandamakmak na bad publicity kay PacMan. Hindi ko rin bet na kadikit ng pangalan niya si very shady Chavit Singson. But he earned my respect and admiration because he really is a damn good fighter. Even his loss now does not stop me from respecting and admiring him. Sana lang, ‘wag naman natin personalin si Manny. True, siguro nga dapat magconcentrate na lang siya sa pagiging congressman pero seriously, anong gambala na ba ang nagawa ng boxing niya sa pagrepresent ng Saranggani? Anyway, may mga beks naman na hindi pinersonal si Manny, God bless you all. Peace. :)

Ang pinaka-nakakapagpa-iling sa akin na mga comments ay ‘yung mga dinadamay pa si God sa pagkatalo niya. Nag-aagree ako na grabe sa pagka-vocal si Manny sa newfound faith niya kay Jesus, pero hindi naman siguro dapat dahilan ito para tirahin ng mga walang parehong pananampalataya ang pagiging boksingero niya. Hindi naman porke si Bradley ang nagtamo ng boxing belt na may bling-blings ay hindi na nakapagbigay ng glory si Manny sa Diyos.

Nakakalunod ang mga nagsulputang mga meme dahil sa fight na ito. Ang pinakanagkalat ay ang Claudine Barretto- Timothy Bradley fight. Hahaha iba talaga ang nadulot ng scandal ni Claudine sa NAIA. Kung magkaron ng mirakulo at matuloy ang fight na ito, kay Claudine ang pusta ko.

Nalulungkot pa rin ako na natalo si Pacquiao, lalo na first time manood ng mga anak niya sa mismong venue. Balita ko rin, nahimatay na namang muli si PacMom/Aling Dionisia. Wala akong balita tungkol kay Jinky maliban sa umiyak daw siya at pinahid ang luha sa pamamagitan ng silk hanky na galing sa kanyang Hermes bag. Life goes on. Tapos na ang laban pero hindi pa tapos ang laban. Rematch daw sa November. Isa pa ‘yang dahilan kung bakit daw ipinatalo ng judges si Manny. For money generating reasons at para may isa pang abangan ang publiko.

image

Gusto ko lang rin palang isingit na kasama sa mga nalulungkot at hindi makapaniwala sa pagkatalo ni PacMan ang mga Hollywood celebrities na sina Justin Timberlake (eeeeeeee kinikilig ako!!!), Jessica Biel, Chris Daughtry, Devon Sawa at Katy Perry. Paano ko nalaman? Aba shempre, sa Twitter.

O ano mga kids? Ituloy na lang natin ito sa rematch sa November. For now, magdoble ibgat muna tayong lahat dahil baka bawiin ng mga magnanakaw ang mga natalo nila sa pustahan at tunaas ang crime rate bukas.

Ninong Manny, para sa akin, ikaw pa rin ang panalo. Time pers, time pers… Concentrate ka muna sa iyong congress duties, pagtulong sa mga Pilipino, pagiging isang mabuting ama at asawa at pagiging isang mabuting Kristiyano.

Hindi pa ito end ng boxing era. Naniniwala ako na babangon ka at dudurugin mo pa si Bradley sa Nobyembre.

Pahabol: Ang galing mo, Jessica Sanchez!!! Dapat talaga, ikaw naging American Idol eh!

At… DA HU si Kirby Asunto? Hindi ko siya kilala. Hindi rin niya ako kilala, so quits lang. :p

—–

listening to: mga opininyo ng aking nga kapitbahay at ang maingay na tahol ng aso nila na mukhang pro-PacMan rin

About these ads
Leave a comment

2 Comments

  1. cyril

     /  June 11, 2012

    excellent commentary! haters gonna hate! they talk as if they’re doing something great for the philippines. bunch of idiots.

    im sure manny will deliver a KO on the re-match!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers

%d bloggers like this: