Namimiss kong maglambing.
Namimiss kong maging baduy at korni na may excuse na, “Eh in love ako eh!”
Namimiss kong hindi magulo.
Namimiss kong walang iniisip kung may masasaktan.
Namimiss kong hindi ako ‘yung nasasaktan.
Namimiss kong ako lang. Mag-isa. Walang kaagaw. O walang inaagaw.
Namimiss kong maging selfish at selfless at the same time.
Namimiss kong may pinapagluto ako.
Namimiss ko ang steady.
Namimiss ko ang In a Relationship.
Namimiss ko na magdemand ng kiss. And ng hug.
And magpabuhat ‘pag napapagod na ako.
(Or kahit hindi ako napapagod.)
Namimiss ko na may kasamang magsimba.
At kasama magkape sa Starbucks o sa Fivebucks aftermass.
Namimiss ko na may movie partner.
Namimiss ko na may taga-ubos ng popcorn ko.
Namimiss ko na may mag-eeffort pangitiin ako ‘pag pakiramdam ko inaaway ako ng mundo.
Namimiss ko na walang pressure.
Namimiss ko yung comfortable silence.
Namimiss ko yung holding hands.
Namimiss ko yung getting lost in each other’s eyes.
Namimiss ko yung surprise kisses.
Namimiss kong maging human alarm clock.
Namimiss ko ring mahing human counter.
Nasabi ko na bang namimiss kong maglambing?
Namimiss kong magpa-cute kahit hindi naman bagay sa akin.
Namimiss kong may pinapaglaban.
Namimiss kong kiligin ng todo-todo, sobra-sobra.
Namimiss ko yung pakiramdam na sasabog ang puso ko dahil gusto ko ipagsigawan sa buong mundo pati na rin sa Mars na may mahal ako.
Namimiss ko yung pag-iisip na masisiraan ako ng bait ‘pag hindi ko makasama ang taong mahal ko sa segundong ‘yon.
Namimiss ko ang mga panahong naniniwala pa ako na may taong mag-iisip rin ng ganito para sa akin.
Namimiss kong magkaron ng karapatan na magselos.
Namimiss kong wala akong namimiss, dahil hindi ako binibigyan ng panahon ng kawalan.
Namimiss kong makinig sa happy love songs na hindi nagiging bitter.
Namimiss kong may siguradong masaya dahil kasama ako sa buhay niya.
Namimiss ko ang mga panahong may kinakapuntahan ang mga sitwasyong pinipili ko.
—–
listening to: The Corrs – What Can I Do