Liz Speaks I

Namimiss kong maglambing.
Namimiss kong maging baduy at korni na may excuse na, “Eh in love ako eh!”
Namimiss kong hindi magulo.
Namimiss kong walang iniisip kung may masasaktan.
Namimiss kong hindi ako ‘yung nasasaktan.
Namimiss kong ako lang. Mag-isa. Walang kaagaw. O walang inaagaw.
Namimiss kong maging selfish at selfless at the same time.
Namimiss kong may pinapagluto ako.
Namimiss ko ang steady.
Namimiss ko ang In a Relationship.
Namimiss ko na magdemand ng kiss. And ng hug.
And magpabuhat ‘pag napapagod na ako.
(Or kahit hindi ako napapagod.)
Namimiss ko na may kasamang magsimba.
At kasama magkape sa Starbucks o sa Fivebucks aftermass.
Namimiss ko na may movie partner.
Namimiss ko na may taga-ubos ng popcorn ko.
Namimiss ko na may mag-eeffort pangitiin ako ‘pag pakiramdam ko inaaway ako ng mundo.
Namimiss ko na walang pressure.
Namimiss ko yung comfortable silence.
Namimiss ko yung holding hands.
Namimiss ko yung getting lost in each other’s eyes.
Namimiss ko yung surprise kisses.
Namimiss kong maging human alarm clock.
Namimiss ko ring mahing human counter.
Nasabi ko na bang namimiss kong maglambing?
Namimiss kong magpa-cute kahit hindi naman bagay sa akin.
Namimiss kong may pinapaglaban.
Namimiss kong kiligin ng todo-todo, sobra-sobra.
Namimiss ko yung pakiramdam na sasabog ang puso ko dahil gusto ko ipagsigawan sa buong mundo pati na rin sa Mars na may mahal ako.
Namimiss ko yung pag-iisip na masisiraan ako ng bait ‘pag hindi ko makasama ang taong mahal ko sa segundong ‘yon.
Namimiss ko ang mga panahong naniniwala pa ako na may taong mag-iisip rin ng ganito para sa akin.
Namimiss kong magkaron ng karapatan na magselos.
Namimiss kong wala akong namimiss, dahil hindi ako binibigyan ng panahon ng kawalan.
Namimiss kong makinig sa happy love songs na hindi nagiging bitter.
Namimiss kong may siguradong masaya dahil kasama ako sa buhay niya.
Namimiss ko ang mga panahong may kinakapuntahan ang mga sitwasyong pinipili ko.

—–

listening to: The Corrs – What Can I Do

Next Post
Leave a comment

6 Comments

  1. Hindi namin namimiss na gumigiling ka sabay hirit ng, “You want some punch?”
    Hindi namin namimiss na may iniiyakan ka kapag nag-away kayo.
    Hindi ko namimiss na hindi ka nagsasalita ‘pag sinasaktan ka na.
    Hindi ko namimiss na puro hindi deserving yung mga nakikita mo.
    Hindi ko namimiss na ibang tao pinagluluto mo ng pasta. Dapat kami lang ng friendships at family.
    Hindi ko namimiss na may paningit na sa Donne and Iya time.

    Grrr.

    Reply
  2. hindi ako gumigiling! leche.
    namin? eh ikaw lang naman nakakakita sakin na umiyak. hmpf.
    dont worry. kakasa na ako ngayon. (sana)
    hahaha. my god. you soooooooo dont like anyone. haha.
    i’ll cook pasta for you soon. wag na tampo.
    ayyyy… ikaw kaya busy-busyhan kaya nanlalalake muna ako. hahaha. ikaw eh. pinagpalit mo ako sa jap time. :p nyahahaha!

    Reply
  3. STEW

     /  October 24, 2007

    ma-mmiss mo din maging single pag magka jowa ka na ulit

    Reply
  4. ganon? damnit. hindi ako maka-react. haha tara na inuman na! :p

    amishyu! kita kits tayo one weekend! tamang tama malapit na naman ang birthday ko. hahaha!

    Reply
  5. katherine

     /  October 24, 2007

    SINGLE KA SIS???sayang ang alindog mo.wag antayin darating yun…

    Reply
  6. semi-single? haha depende kung bilog ang buwan… harhar. :p

    anyhoodles, i’m not waiting.🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: