Ewan ko ba bakit nag-iinarte ako kanina, eh sa tutuusin, masaya naman ako.
Masaya ako kasi mababaw lang ang kaligayahan ko. Lemme reiterate, it’s easy to please me. Impressing me is the hard part.
So ‘yun nga. Si Bagyong Lando, nagmamaganda. Si Bagyong Mina, namiss tayo agad kaya bumabalik. Lahat ng tao nilalamig, pero dahil nga giddy ako, deadma. Rampa sa 5th floor kahit sobrang hangin, nagpicture-picture pa. Umaambon, pero, keri lang. Basta hindi mabasa yosi ko.
Oye Bimbombi, Eh-na Anna, Atche Ems, Iya I-y-a and Melanie MascardoVersoza :p
Lumindol pa daw. DAW kasi hindi ko naman naramdaman. Kaya pala sumkinduva-sortof narinig kong semi-nagpapanic si Mel and Anna sa right side ko. Busy-busyhan kasi ako sa call outs that time, na minulti-task pa sa pagbu-budget ng darating na kaperahan sa Thursday at sa pakikipag-YM kay Sandro. Kung ‘di pa sa n’ya sinabi sa akin na lumindol, ‘di ko pa nalaman. Kala ko nga joke lang. Naniwala na lang ako nung may follow-up question na Are you ok?
Haha. Spaced out.
One of the boys Iya, Vinci, Ny, Yan, di-ko-kilala, and Kram (Vinci and Kram have been my friends since 1st year college)
Tapos si Ate Dana bumisita pa sa akin. Sandali ko lang siya nakasama. Nagmarathon chikahan lang kami about work at nagpakita lang ako sa kanya ng pictures at may pinarinig ako sa kanya na mp3.
Nagstart pa sa training sa amin si long lost friend ko na si Richard at bro ni besty Jap na si Mark. Wheee! Bagong-lumang mga kasama sa office! Yehey. May dagdag na mabubulabog na ako sa kung anu-anong shifts!
At shempre, may nakuha akong pesosesoses kanina from a certain reimbursement blah blah blah. Di ko pa na-withdraw lahat. Para pagdating ng sweldo, mas mtuwa ako sa makikita ko ‘pag nagcheck ako ng balance. :p
At, at… 10am-7pm uli ang shift ko bukas. Yehey! Happy social life uli. ‘Wag lang sana manggugulo ang mga bagyo.
Ayan. Lots of things to be happy about naman, ‘di ba? Hindi naman nasagot ng post na ito kung bakit ako nag-inarte kanina. Ganoon siguro talaga. Walang kailangang rason para mag-inarte.
At wala ring kailangang rason kung bakit ganito ang post ko ngayon. Walang kasaysayan talaga, pero at least hindi ma-drama.
:p
—–
listening to: The Beatles – Come Together