Deadma sa Kudeta

Ayoko na i-discuss kung anu-ano ang mga pangyayari kaninang umaga. masyado na nag-iinit ulo ko sa linggong ito, kaya pass muna.  Kudeta, bagyo, curfew, shooting, arestuhan… saka na ako magrereact sa mga ‘yan.

Nakipag-inuman na ako kay Donnie kagabi, kaya panget naman kung iinom ako uli ngayon. Una, redundant, hehe. Ikalawa, ano ako, alcoholic? Ikatlo, wala rin sasama sa akin. Stranded sa baha sa Pasay. Hahaha.

Kaya, pumunta na lang ako ng ATC. Wala naman ako pakay talagang gawin dun, maliban sa mag-ikot-ikot hanggang mahilo ako. Gusto ko ring ma-feel na girl ako, na shopping ang ginagawang panlaban sa depression. Hindi kasi ako yung tipo na dadaanin sa pagpapagupit ng buhok ang sama ng loob. Oh no. Not my virgin hair!

Eto ang mga nakita ko sa mall na agad-agad ko namang binili. Siguro naman kahit na 24 hours mapapasaya ako ng mga ‘to.

cimg6129.jpg

Ayan. Big white bag. Kasya dito kahit na chop-chop body. Hehe.

cimg6135.jpg

Para akong hinihila kanina sa tindahan ng libro. Wala naman ako balak sana bumili. ‘Yun pala, kasi makikita ko ‘yan. Paborito ni Sandro si Drew. Kung bakit, kani-kanina ko lang nalaman. Shempre inunahan ko s’yang basahin. (Ang background ay para sa contrast lamang.)

cimg6145.jpg

Earrings. Kelangan ko ng pa-epek para sa theme ng Xmas party namin. White Bling? makahiram nga ng accesories ni Snoop Dogg.

cimg6148.jpg

Ito ang the best. Si Donne kasi ayaw basahin ‘yung Pride and Prejudice na copy ni Jap. Boring daw. Eh nakita ko itong mga kiddie versions. Ayos. May pictures pa ‘yan. Matutuwa na siyang magbasa ngayon. May the Count of Monte Cristo pa at Wuthering Heights. Hindi puro Maalaala Mo kaya novels at TikTik ang binabasa n’ya. Hahaha joke.

Ayan. Bibili pa sana ako ng boxer shorts eh kaso lang kelangan ko na umuwi for dinner. Sayang.

—–

Teka, teka. Hindi ako makapagpigil.

Naiinis ako. Nasayang ang boto ko kay Trillanes! Grrrr!

—–

listening to: 112- Cupid 

Leave a comment

7 Comments

  1. kim

     /  November 29, 2007

    ang sarap mo naman maging friend! how thoughtful!

    Reply
  2. haha thanks!

    Reply
  3. luckydee

     /  November 30, 2007

    ang naaalala ko na ibibigay mo sa akin The Devil wears Prada……..

    Reply
  4. iyapie, gusto ko lang ipaalam sa u na hindi ko tatanggihan yung whitebag kung yun ang ibibigay mo sa akin sa pasko. 😀

    Reply
  5. bes: yep. but the one in powerbooks doesnt have the cover i like. :p dont worry you’ll get your fix. :p

    maru: will you be here in manila during the holidays? kung oo, sige ba. :p tara meet tayo!!!!

    Reply
  6. add po pala kita sa link ko. 🙂

    Reply
  7. add ko rin ikaw./ hehehe. 🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: