Kutob

Early May 2000, sinamahan ko si R, yung sira ulo kong bf that time sa CSB sa course reg niya. Dahil nahalata n’ya na namamatay na ako sa boredom, sabi niya, mag-Torre Lorenzo muna kami to get frappes. At pinayagan pa niya ako magyosi ng isang stick. (Di kasi siya nagyoyosi dati. Hanggang ngayon. Juts lang.) Nung palabas na kami ng Benilde, nakasalubong namin ang babaeng ilang taon ko nang hindi nakita. Ang impakta na si A na sinubukang agawin yung bf ko nung highschool. (Pero di s’ya type. Belat.) Shempre nag-init ang ulo ko. Ok na sana eh. Kaso lang…

Tumingin siya kay R. Medyo matagal. More than 5 nanoseconds! Tapos, nagsmile pa ang impakta sa akin. Pero halata naman na fake. Tapos naglakad na siya palayo. Lumayo siya pero lapit na lapit at lapat na lapat sa utak ko kung paano niya tinignan si R. Malagkit. May pagnanasa. Tangina… danger. DANGER!!! Kutob, kutob… may gagawing masama ito sa amin ng Honey ko. Rawrrr!

Napansin ni R na sumama ang timpla ko kaya tinanong niya ako kung kilala ko rin daw ‘yung dumaan. Ito ang naaalala kong sinagot ko sa in love na in love sa akin na bf ko that time,

“Yeah, I know her. She’s not exactly one of my favorite people in the world. Wanna know why? She tried to steal my boyfriend. Magpapanakaw ka rin ba?”

Shempre sabi niya hindi.

In fairness, hindi nga naman. Nagsplit kami ng June at pagkatapos ng ilang buwan na pagtatago ko sa kanya, nalaman ko na lang na naging sila ng October. Nagkasabay kasi sila sa orientation at naging blockmates pa. Ayun, nagkalapit. Nagkadevelopan.

Sabi ko na nga ba. Iba talaga akong kutuban. Bwiset. Dapat pinagbababaril at hinulog ko na sa imburnal ‘yung talipandas na ‘yun nung highschool pa lang eh. Arggggh. Punyeta pag naaalala, umiinit pa rin ang ulo ko.

Pero sige. Naniniwala naman ako at nararamdaman ko naman na hindi si A ang reason ng break-up namin ni R. Nagmaganda naman talaga ako dati. Akala ko noon, kadakilaan ‘yung pag-let go ko sa kanya. Akala ko ‘yung paghahabol niya sa akin eh sign ng weakness. Anyway, ibang istorya na yan. The point is, bwiset lang na may isusunod na nga lang siya sa akin, ‘yung babae pa na sobrang, nag-uumapaw na ayaw ko.

Tapos kinutuban pa ako… Sabi ko na nga ba magkakarelevance siya sa buhay namin ni R eh. Well, sa buhay namin ng pagiging mag-ex.

Hindi kasi ako selosang gf. Ibang klase kasi ako magtiwala sa bf ko. Pero sana pala, binakuran ko siya dati. Sana pala, napafeel ko kay R na kung papalitan lang rin niya ako, dun na sa mas mabait sa akin. Hindi sa kaugali ni Satanas. At sana nasabi ko kay A na wag s’yang makalapit-lapit sa bf ko kung hindi, guguluhin ko ang buhay niya at sasabuyan ko ng muriatic acid ang pagmumukha niya.

Oh well. Wala na sila. Nagsplit rin sila nung 2003 yata. Nung panahong ‘yun, nagsplit rin kami ni E. Nag-usap kami uli ni R. Wala na kaming sama ng loob sa isa’t-isa noon. Marami-rami rin kaming common friends, kaya hindi maiwasang magkasalubong. Minsan, niyaya niya ako mag-dinner. Sabi ko, sige. After 5 minutes, binawi ko. Baka kasi saan mapunta. Na-turn off ako. Paano ba naman. Malamang, nalawayan na siya ni A. Ewwww.

Bakit ko ito na-post?

1. Bigla ko namiss si R kasi nakita ko ‘yung pic namin na nakahug kami at naka-kiss sya sa noo ko. (Hindi lola-style.)

2. Nakasalubong ko uli si A. Pinagbababaril ko na siya at hinulog sa may talampas. <—- Haha. I wish!

3. Dahil kinukutuban na naman ako. =(

—–

listening to: TLC – Creep

%d bloggers like this: