So, today is Dec 11. Walong tulog na lang bago ang salubong sa aking kaarawan! In English, eight sleeps only before running over my birthday! Bwahaha! Napakalabong translation. Dinaig pa ang “Be aware of dog” sign na nakita ko dito sa Makati. Anyhoodles, I’ve decided to celebrate my 26th birthday in a tad different way. First time na salubong. Dati kasi, batas ng buhay ko na mismong birthday ko dapat magcelebrate. Ngayon, dahil dapat mag-adjust sa sched ng guests at para maiba naman ng konti, pumatol na ako sa ideya na magkaron ng Birthday Salubong.
Heto ang mga detalye:
Iya’s 26th Birthday Salubong Painom
December 19, 2007, 9:00 pm
Pizza Niro – Tides, Phase 3, BF Homes, Paranaque
We’re gonna have fun! >:p
The breakdown:
December 19, kasi nga birthday salubong. To be more specific, hanggang 3am ng December 20. Shempre naman, hihintayin na mag12 midnight para makantahan ako ng Happy Birthday To You. Sana ‘wag kalimutan ni Jap na magdala ng cake na may candles dahil wala akong balak na flame lang ng lighter ang hipan ko pagpatak ng alas-dose.
9:00 pm. O ayan. After dinner na ‘yan. Meaning, kumain na ngĀ hapunan dahil wala ako balak gumastos ng limpak-limpak. Magpapa-inom lang ako. Don’t worry. Ako rin ang sagot sa pica-pica. Masarap ang nachos dun at sisig. Hindi naman bakal ang puso ko. Kung makita ko man ang guest ko na tumitirik na ang mata sa gutom, io-order ko naman ng Rice Toppings. Masarap ang chicken teriyaki sa Tides. Pero para makaiwas na sa pagtirik ng mata at pagbulagta sa sahig, kumain na sa bahay ng hapunan. Okay? Okay.
Tides, BF Homes. Malamang kasi taga-South ako, di’ba? Sana ‘wag magfeeling ‘yung isa kong ex na magcelebrate ako sa Manila. Ano naman ang bearing pa niya sa buhay ko para doon ako magparty? Ang kapal talaga. For the 3rd time, iniinvite na naman niya ang sarili niya sa birthday ko. At gusto pa bitbitin ang buong tropa niya. Arrrrgh. The nerve!!!
We’re gonna have fun? Aba natural. Kelan ba naman ako naging boring kasama? (Yessss… the nerve ko rin! Hehe) Isali pa ang isang dosena at kalahati kong mga sira-ulong mga kabarkada. Mejo magiging mini-reunion rin ito ng college friends ko. Pero okay lang ‘yun. Come one, come all. The more, the manier. Fun, friendly people naman kami. Di naman kami nangangagat… lagi.
Pinagpaplanuhan na rin namin ni Bestfriend Donnie ang games. Oo. Gusto ko ng games. Motto ko nga in life eh “To play safe is to not play at all. Let’s play!” So far, ang naisip pa lang namin eh ‘tong mga ‘to:
* Habulang Gahasa sa Sucat Road
* Patintero sa Aguirre Ave na naka-blindfold
* Pin the Tail On the Donne at
* Patayin sa Sindak Si Iya, Ang Pagbabalik.
Don’t worry. I play fair. š
At shempre may prizes. Secret muna kung ano ‘yung mga ‘yun. Sali kayo para malaman niyo. :p Walang kasamang house and lot. Trip to Jerusalem for two lang. Bigyan ko kayo ng mga silya na iikutan.
Hayayay! I’m super excited! Kulang na lang eh magjaja-jumping jacks ako sa gitna ng EDSA sa tuwa.
Kung matagal mo na akong kilala, or kung kilala mo na talaga ako ng mabuti, malalaman mo kung gaano ka-bigdeal sa akin ang birthday ko. Sa isip ko, secret national holiday ito na miniscule fraction of the population lang ang nakikicelebrate. Kaya sa mga taong nagconfirm na na pupunta sila, kasiguraduhin nila na ‘wag silang magbabackout kung ayaw nilang kalmutin ko mukha nila using a picthfork. Excused lang ang absence nila ‘kung nakaratay sila sa operating room or kung ikakasal na sila. Sadista na kung sadista, pero utang na loob. Once a year lang ako hindi nagmamartyr-martyran. Pagbigyan niyo na.
Sa mga nagtatanong tungkol sa wishlist ko, kung ano pa daw ang pwede nilang bilhin. Or kung ano pwede nilang bilhin na hindi masyadong mahal…
Heto pa ang mga bagay na ikatutuwa kong makuha sa Dec 19/20:
* Big black bag
* Black/cream/red purse
* Elizabeth Wakefiled’s Secret Love Diary #3 (Yep, Sweet Valley!)
* Chandelier earrings (Oo, hindi na siya uso, pero wala ng pakialaman.)
* Mouse Pad
* Skirt/s
* Boardshorts na maiksi, para mashow-off ko ang beautiful logs ko. Este, legs.
* Scrapbook
* Statement Shirts (sana from limiTADO… sample: “Mabuti nang tamad kaysa naman pagod.”
* Flip-flops
* Orig CD ni Papa Justin Timberlake
* Cookbooks
Ayan. Bahala na kayo. Pero shempre, ang mga pinakagusto kong ma-receive eh ‘yung nandun sa orig wishlist ko. ‘Wag niyo na pala ako ikuha ng cake kasi promise ni Besty Jap siya na magbibigay. Ihuhulog ko sa bangin ang mga alagang pusa niya pag hindi niya tinupad.
Para sa mga nagtanong kung ano dun ang PINAKAgusto ko matanggap na realistic (Mga punyeta, hindi ba talaga realistic si Justin Timberlake?)Ā eto ang klarong-klaro kong kasagutan:
* FLOWERS
* HARANA
* ATENEO JACKET
Flowers, dahil gusto ko lang. Basta. Gusto ko ng flowers. White, peach or pink roses to be exact. Para siguro gel na gel ang pakiramdam ko. at connected ito sa childhood ko. Bastaaaaaaa.
Harana, kasi… eh basta uli. Please lang, ‘wag pakantahin si Donnie. Baka magdilim lang ang paningin ko. Or baka paningin niya ang magdilim ‘pag nasapak ko siya. (Joke lang bes!)
Ateneo jacket, kasi since 2003 ko pa gusto n’yan. Parang hindi ko rin naman nasagotĀ ‘yung tanong. Haha.
So there. Kita-kits sa Dec 19. Mag-mensahe na lamang sa akin ‘kung ikaw ay makakapunta o gustong magpadala ng regalo.
:p
—–
Pahabol! Addicted ako ngayon sa kantang Low. Wag pakantahin si Donne, pero pwede s’ya sumayaw nito. May pole naman sa Tides eh. Haha. Or showdown kami. Hahahahahahahahhahahahahahhaha!
—–
listening to: Flo Rida feat T-Pain – Low