Sabay-sabay

Ito ang gabi ng sabay-sabay.

 

tides1.jpg

Sabay naghalo ang init ng ulo ko at pag-aalaala kay Kapatid na Joel nung hinihintay ko siya sa Tides para uminom. Usapan naman kasi alas-9. Aba, perfect! Dumating ng 10:00!

Nung panahong hinihintay ko siya, pinagsabay-sabay ko rin kinain ang grilled frankfurter, nachos at sizzling mushrooms. Pathetic ng konti, kasi mag-isa ako. ‘Yung babae nga sa kabilang table, parang gusto sabihin sa akin na, “Miss, kawawa ka naman mag-isa ka dyan. Wala siguro gusto sumama sa iyo, kasi ang takaw mo!” Hehe.

Pinagsabay ko rin ang Sunrise at Blue Crush. May tequila ang Sunrise. May vodka ang Blue Crush. Eh sira talaga ang ulo ko, kasi alam ko namang magkaka-amats ako ‘pag pinagsama ko ‘yung mga ‘yun.

May sumipang konting amats sa akin sa pakikipagchikahan kay Joel. Ayos naman kasi mas masaya magkwentuhan ‘pag may tama na.

Tapos, nagtext sa akin si Howie. Punta daw sila ng Porch. Sama daw ako. Eh ayoko pumunta dun dahil kasama ko si Joel. Steady na ako sa Tides. So sabi niya, sila na lang daw ni Ed ang punta sa Tides.

Hindi ko naman pag-aari ang Tides, kaya kung gusto nila pumunta eh hindi ko sila mapipigilan di’ba?

Kaya ayun. Sabay dumating si Ed at Howie. Ok na sana eh. Tamang kulit kasi si Ed. Nagpaplano pa kami nung paano gantihan ‘yung tumarantadong asshole sa kaibigan ko. Kaso lang, si Howie umasshole rin.

Paano? Bakit? Pinagdiskitahan na boyfriend ko daw si Joel. Eh hello? Kapatid ko ‘yun. At ano naman ngayon kung kasama ko boyfriend ko? At ano rin ngayon kung wala akong boyfriend? At ano rin ngayon kung ang status (ng utak) ko eh nasa gitna nung dalawang nauna?

At dahil na-establish na hindi ko bf si Joel. Pagdating ni Sandro, siya ang pinagdiskitahan.

Nung sinabi ni Joel na, “Nandito na si Sandro!” halong disbelief at joy ang naramdaman ko. Eh kasi naman, kala ko binubullshit lang ako ni Joel na baka sumunod siya. At sabi ko rin, ‘wag na pasunurin kasi baka bumulagta pa ‘yun sa pagod. Mahirap magbuhat.

Ayun. Ok na sana eh. Gusto ko sana magcatch-up, magpacute, maglambing, mang-asar, magwhatev, but noooooo… may epal sa tabi-tabi. Ang nakakainis pa dun, hindi ko in-expect na asshole si Howie. Kaya mas nakakabwiset. Sinabihan ko pa siya na wag ng humirit dahil magulo na nga. Wag ng dumagdag. Pero nagtatatalak pa rin siya dun. Nanadya pa rin.

So sa tingin ko naman, deserving siya na pinagdududuro at pinagmumumura ko siya doon. Pero slight lang. Baka ma-ban pa ako ng Tides, mahirap maghanap ng panibagong venue para sa birthday ko. Hehe.

Ah basta. Hindi ko alam kung bitter siya o confused. Or baka both.

So after mag-init ang ulo ko, keri na rin kasi napalamig naman ni Joel, Sandro and Ed. Haha so ‘yun nga. Si Howie lang talaga ang salarin.

Uwian time na at sumabay kami ni Joel kay Sandro. Na-prove ni Joel kung gaano siya ka-supportive na friend. Na-prove ko rin na smart talaga si Mr.Lopa at pagdating sa kanya, nagkakaron ako ng episodes ng kabobohan.

Pero binibintang ko pa rin ang mga nasabi kong hindi dapat sa pagsasabay ko ng tequila at vodka.

—–

Sinabay kong i-blog ito habang nagko-callouts.

Sino nagsabi na hindi ako champion multitasker?

Haha. Ako pala.

—–

listening to: J Holiday – Bed

%d bloggers like this: