Simple lang naman ang mga patakaran ko kung ikaw ay mangungutang sa akin.
1. Matuto kang magbayad.
Iba ang utang sa bigay. Kung wala kang balak magbayad, eh di sana humingi ka na lang. Madali lang naman akong kausap, basta maramdaman ko na hindi mo ako tinatanga at inuulol.
2. Magpasintabi ka kung hindi pa makakabayad.
Wag mo akong taguan. At wag ka mag-inarte na parang walang nangyari at wala kang dapat ibalik sa akin. Hindi porke tahimik ako eh hindi na ako nakakaalala.
Ang pag-utang ay ginagawa sa mga panahong ikaw nangangailangan. Sana huwag kalimutan na ang nagpapa-utang ay mga pangangailangan rin. Pera man o pabor ang ipinagkaloob sa iyo, ito ay dapat pinapahalagahan. Masamang maging abusado. Masamang hindi tumupad sa salitang binitawan.
Hindi ako nagpapalampas ng mga bagay na ipinangako sa akin. Hindi sa kadahilanang kailangan ko na itong makuha. Dahil lamang gusto ko. Dahil importante sa akin ang pagtupad ng salita. Dahil ang hindi pagtupad ng salita ay ang pinakamasamang pwedeng magawa sa akin bukod sa pagtawag sa akin ng sinungaling, bobo o mataba.
Tandaan:
Ang libre ay libre. Pinapasalamatan.
Ang utang ay utang. Binabayaran.
—–
listening to: Amy Winehouse – Rehab