Ang utang ay utang.

Simple lang naman ang mga patakaran ko kung ikaw ay mangungutang sa akin.

1. Matuto kang magbayad.
Iba ang utang sa bigay. Kung wala kang balak magbayad, eh di sana humingi ka na lang. Madali lang naman akong kausap, basta maramdaman ko na hindi mo ako tinatanga at inuulol.

2. Magpasintabi ka kung hindi pa makakabayad.
Wag mo akong taguan. At wag ka mag-inarte na parang walang nangyari at wala kang dapat ibalik sa akin. Hindi porke tahimik ako eh hindi na ako nakakaalala.

Ang pag-utang ay ginagawa sa mga panahong ikaw nangangailangan. Sana huwag kalimutan na ang nagpapa-utang ay mga pangangailangan rin. Pera man o pabor ang ipinagkaloob sa iyo, ito ay dapat pinapahalagahan. Masamang maging abusado. Masamang hindi tumupad sa salitang binitawan.

Hindi ako nagpapalampas ng mga bagay na ipinangako sa akin. Hindi sa kadahilanang kailangan ko na itong makuha. Dahil lamang gusto ko. Dahil importante sa akin ang pagtupad ng salita. Dahil ang hindi pagtupad ng salita ay ang pinakamasamang pwedeng magawa sa akin bukod sa pagtawag sa akin ng sinungaling, bobo o mataba.

Tandaan:

Ang libre ay libre. Pinapasalamatan.

Ang utang ay utang. Binabayaran.

—–

listening to: Amy Winehouse – Rehab

Previous Post
Leave a comment

7 Comments

  1. tsk…

    Datapuwa’t lumabas ang aliping yaon, at nasumpungan ang isa sa mga kapuwa niya alipin, na sa kaniya’y may utang na isang daang denario: at kaniyang hinawakan siya, at sinakal niya, na sinasabi, Bayaran mo ang utang mo. – Mateo 18:28

    tama ka sa sinabi mo. ewan ko ba… hay… minsan makikilala mo ang isang tao sa halagang P1… or P10… or P100 pag umutang sayo.

    kaya kung may gusto kang makilalang tao ng lubusan, even ur soon to be husband/wife, pag umutang, pauntangin mo agad. kung ano man ang mangyayari, i’m sure may matututunan kang bago dun. hay talaga… no comment. ^_~

    Reply
  2. ayos may verse pa from the holy book.🙂

    Reply
  3. pinagtaguan ba kita? nag inarte ba ako? at higit sa lahat umutang ba ako? hahaha!
    hays… sana nagpaturo ka dun sa bumbay, kay Swami kung papanu ang tamang pagpautang. hahaha!

    p.s.

    penge naman ng pera.

    Reply
  4. wala na ako pera. nasa utangan. hahaha. siguro nga dapat na ako humingi ng tips and tactics from swami… :p

    Reply
  5. inez

     /  January 11, 2008

    penge ng pera, nangangailangan ako! hahaha =p

    how’ve u been kapatid?! =D

    Reply
  6. Nawalan na ako ng kaibigan na pinagsimulan ng utang.

    Hindi dahil sa hindi siya nagbayad sa tamang oras. Hindi rin dahil sa hindi siya nagbayad ng buo.

    Kung isusulat ko dito kung bakit, baka mas mahaba pa sa isinulat mo kaya huwag na lang.🙂

    Reply
  7. INEZ: here i am moving on to a better version of myself. smarter, sexier, meaner version. mwahahaha! pero antisocial ako this week. :p kaw?

    NICO: amazing. nagcomment ka yata. :p ano ba ang inutang sa iyo? dangal? girlfriend? :p

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: