Vday 2K8

Kung kelan pa UP Centennial, ngayon pa ako hindi nakapunta sa fair. Hmpf. From 2003-2007 kasi, lahat ng Vdays, andun ako sa Peyups nakikipagsalamuha sa mga sosyal, sa mga normal, at sa mga orcs sa pakikinig sa mga banda, paglalaro sa perya at pagikot-ikot sa Sunken Garden.

Wala lang kasi ako sa mood ngayon na makigulo sa sobrang daming tao. Kaya imbis na pumunta sa UP Fair o  sa Valle Verde (d&d with crushie and his friends), dumerecho na lang ako kina Jap para sa Un-Valentine’s get-together namin with Donnie.

Un-Valentine’s? Ano raw? Ito ang bitter-bitteran celebration naming Triad Bestfriendships na may mga steps na:

1. Magkita-kita sa bahay ng pinaka-cynical na tao pagdating sa pag-ibig. Saan pa? Eh ‘di kina Jap.

cimg77702.jpg

2. Maghanda ng weird food combination to symbolize a weird friendship. Halimbawa: inihaw na bangus, chocolate cake at quail egg soup.

3. Kasiguraduhin na romantic ang setting. Maglagay ng roses sa lahat ng plurera. Maglagay ng kandila sa kwarto. Sa lamesa, sa sahig, sa carpet, sa silya… maraming-marami!Mag-ingat nga lang na hindi makasunog ng bahay ng may bahay.

4. Gawing photo-op ang sitwasyon. Gamiting props ang long-stemmed pink rose at gigantic Toblerone at Crunch na natanggap. (“,)

cimg7735.jpg

5. Magkantahan hanggang mapaos. Sipain sa mukha ang pipili ng love song. Tadyakan sa dibdib ang kakanta ng makadurog puso na kanta.

At ang pinaka-importanteng step…

6. Abangan ang pagsapit ng alas-dose. Mag-cheers sa pagsapit ng February 15. Magsaya dahil sa wakas, tapos na rin ang Valentine’s!

 cimg7796.jpg

—–
listening to: Wheatus – Little Respect
Next Post
Leave a comment

10 Comments

  1. koreanmine

     /  February 16, 2008

    yan ang frenships! cheers! 😀 at suportib cla sa blooging kakir mu 😀

    Reply
  2. kAt^me0w

     /  February 17, 2008

    love the lighting!

    Reply
  3. ayus na trip yan ah… antayin pa ang midnight to celebrate hehe

    Reply
  4. haha ang saya! pano kung may isa dyan na inde bitter? inde na pwede sumali? hehehe

    Reply
  5. haha. pag hindi bitter, ipapalapa sa aso dun sa may gate!

    joke lang. :p

    Reply
  6. i’m having a hard time convincing my friends to do this kind of valentine’s celeb. btw. i like those coblets. saan kaya nabili yun?

    Reply
  7. i dont know. i’ll ask jap when i see her, but i’m guessing they’re from the US. 🙂

    Reply
  8. repah

     /  February 18, 2008

    ABA girl kamukha k pla ni bubbles… ganda mo pla neng.. wag k ng maglungkut-lungkutan be happy..

    Reply
  9. thanks…

    pero sinong bubbles?

    :p

    bubbles paraiso or bubbles of the powerpuff girls? :p

    Reply
  1. Adios, 2008! « psychosomaticaddictinsane

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: