Para sa Babaeng Marahil ay Galit sa Akin / Part 1

Alam kong hindi maganda ang tingin mo sa akin.
Marahil iniisip mo, saksakan ng sama ang ugali ko,
na bilang kapwa mo babae hindi ko man lang inisip ang mararamdaman mo.
Hindi kita masisisi,
pero hindi rin ako hihingi ng tawad.

Naiintindihan kita sa isang banda.
Alam kong nasaktan ka o nasasaktan ka pa rin.
Gusto ko lang malaman mo na hindi ka nag-iisa.
Dahil ngayon, sa sakit na nararamdaman ko,
para akong pinapatay.

Advertisements
%d bloggers like this: