BeachTrip2K8 : Part I

Sa wakas, natuloy rin ang aming Morong Bataan beach trip last Friday. Muntikan pang mapurnada dahil masakit ang tummy ni Mommy Colleen nung Thursday night. Nagkanda-leche-leche ‘yung trip namin papunta dun dahil sandamakmak na pit stops ang na-encounter namin. Buti na lang all my friends are koboy. Charge to experience, part of the adventure daw. Come to think of it, ako nga lang ‘yung nag-inarte. Prolly because I wanted everything to be perfect for them. Oc-oc ako eh!

Meeting time dapat 7am sa McDo BF. Nakaalis na kami ng 9ish kasi hindi kaya kumilos ng mabilis ni Mommy Colleen. We got to the CCP Pier at 10. Lo and behold, 3 months na pala walang bumabiyaheng ferry papuntang Bataan. We had to take the loooong way. Genesis bus sa may MRT Taft. Nga pala, para hindi masayang ang punta namin sa pier, ginamit na lang namin ‘yung photo op. Hehe.

Mabilis lang sana ‘yung biyahe papuntang Balanga, pero ‘di ko akalaing fiesta pala dun. Kaya ‘nung nasa minibus na kami papuntang Morong, naharang kami ng pagkahaba-habang parada. Parada ng mga baklita. My bad. Dapat sa Subic na lang pala kami dumaan papunta sa hometown ni Mama Dear ko.

Buti na lang, maganda ang view sa isa’t-kalahating oras na biyahe namin papuntang Morong. Kahit na zigzag, na-enjoy naman nila ang scenery. That was until nagsigawan na ang mga sikmura namin dahil sa gutom.

We arrived at my Lola’s house at 4pm. Sinalubong kami ng super sarap menudo and super pait na amplaya (my kind of luto). Magandang panimula!

 

Ok na. Ready to go to the beach na kami. Wheeee!

—–

About the pics: (1) Iya Turista, nasa BF pa lang, nagpipicture-picture na (2) Pier Photo Op with Jap and Yo (3) Lev watching the roadblock… este fiesta parade (4) Mt. Samat, the Death March mountain (5) Extremely late lunch at my Lola’s

The other pics are in my Multiply. It’s set for my Network.

—–

listening to: Rihanna – SOS 

Advertisements
Previous Post
Leave a comment

2 Comments

  1. ikstopanor

     /  April 29, 2008

    RONALD MCDONALD!!!! ❤

    Reply
  2. eeeooow clown! :p hampas ko kay barney yun eh.

    nagpicture lang ako for the sake of. :p

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: