Tingin, Punit, at Tapon

Sentimental akong tao.

Mahilig ako magtago ng mga bagay-bagay na nakakapagpaalala sa akin ng mga espesyal na tao at magagandang pangyayari sa aking buhay. Minsan nga kahit hindi kagandahan ang pangyayari at kahit na putanginang tao ang nagbigay sa’kin nung gamit, tinatago ko pa rin. Emotional-masochist kasi ako… dati.

Dahil sa nalalapit ko nang paglipat sa Mandaluyong, kailangan ko nang bawasan ang mga gamit ko, dahil sumasakit na ang ulo ko sa pagliligpit. Madali lang magbawas ng mga damit, bags at libro. Kalahati siguro ng mga ito ay ipapadala ko sa simbahan, at bahala na ang mga fathers, mothers, brothers, and sisters doon na magpamigay nito sa mga nangangailangan.

Nahirapan lang ako nung nakita ko ang mahigit-kumulang isang dosena kong diaries at kahon-kahon na mga litrato. Alangan namang dalhin ko pa ang mga yon sa Manda. At mas lalo namang hindi ko yon ipapadala sa mga magulang ko sa Bataan. Binasa ko ang mangilan-ngilang pahina nga mga diaries at pinagtatatapon ko na ang mga naisulat ko mula nung grade 4 to 3rd yr college ako.

Sa mga diaries ko, pinili ko na lang na hindi punitin at itapon ‘yung 4th yr college, kasi paalala yon na naging almost-perfect pala ang buhay ko. Masaya ako sa school at dumi-dean’s list pa, masaya ako sa church at umaalive-alive pa sa LSS, masaya ako sa bahay at di nakakaaway sila Mama at Daddy, masaya ako sa barkada dahil sa sandamakmak na mga kalokohan namin, at masaya ako sa lovelife nung mga panahong early to midstages pa namin ng bf ko noon.

Sa mga litrato naman, pinagpupunit ko na ‘yung mga walang kasaysayan tulad ng mga gradpics ng mga classmates na hindi ko naman maalala (note to self, pag nagka-anak ako, sasabihan ko sya na wag mamigay ng gradpics), mga pictures namin ng mga bastard exes ko (hindi ko lang pinunit, sinunog ko pa), at mga pa-cute pics ko ng late gradeschool to highschool (dahil kahit anong pa-cute eh hindi ako naging cute).

May isang bulto ng mga memorabilia na hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko hanggang ngayon. Hundreds of pictures, video at audio files na nasa cd, mga tuyong bulaklak, at mangilan-ngilang sulat ang laman. Alam kong dapat ko nang dispatchahin pero parang hindi ko pa kaya. Ipadala ko na lang kaya sa kanya? Siya na lang ang sumira at bumasura? Paniguradong makakahinga siya nang maluwag kung mawala ang mga ito sa mundo.

Nakakatawa, kahit naman pasabugin ko pa ang mga memorabilia na nasa akin, para namang mawawala sila sa utak ko.

At para namang mawawala sila sa bagong bili kong 2 gig flash drive.

O sha sha, teka lang. Babalik muna ako sa pag-eempake.

—–

listening to: N’Sync – Bye Bye Bye

Advertisements
Previous Post
Leave a comment

6 Comments

  1. aftertheidiot

     /  May 18, 2008

    iya! long time! im still here in cebu. will be back in manila the earliest on august. i guess i’ll be seeing you in ortigas then!

    have fun packing! hahahahahahahahahah!

    Reply
  2. jokoness

     /  May 18, 2008

    actually posted another reply in your multiply.

    at dahil wala akong signal sa house like the crazies, could i interest you to fireworks watching?

    Reply
  3. miko: hahaha my ass! pasalubong ko!!! isang buong lechon!

    joko: dude, magsisimula na ako maglipat sa weekend. 😦

    Reply
  4. koreanmine

     /  May 19, 2008

    uy, bago ang heady.. nice πŸ™‚

    .. ako din mapagtabi ng kung anik anik, ultimo balat ng chewing gum at tiket sa bus o sa cine.. etc..

    minsan nanghihinayang din ako kc itinabi ko xa ng matagal para itapon lang.. pero pag wala ng saysay ang mga memories nya, para ano pa nga ba.. ok na yung maalala xa ng utak ko kung gus2 ko alalahanin minus the visuals …

    kalat lang!!!! LOls πŸ˜†

    Reply
  5. i stil have my highschool diaries back home… nakakapanghinayang magtapon pero ang hirap kayang maglipat with all those crap heheheh…

    Reply
  6. mine: grabe yung may bus tickets pa! :p

    rhap: hahaha ako bago ko tinapon yung hs diaries ko, pinagtawanan ko muna yung mga nakasulat. hahaha! admittedly, i was pathetic adolescent. :p

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: