Sampu

Dahil sawang-sawa na si Jap sa pagmumukha ng Alabang at BF, pumunta at tumambay naman daw kami sa QC. At dahil rin siya lang sa Bene barkada ko ang hindi ako nabisita nung nagmamaster’s ako sa Peyups, binalak niyang dayuhin ako at ang kape sa Chocolate Kiss.

Hindi na ako taga-QC, pero hanggang ngayon, Diliman pa rin ang tinuturing kong 2nd home. (Hindi pa rin nagmamarka ng matindi sa puso ko ang Mandaluyong at ang Morong.)

Medyo nairita ako na Sunday ang gusto niyang araw. Gusto ko lang kasi matulog na parang mantika sa ini-ref na lechon pag Linggo. Alam kong importante kay Jap ang lakad na ito kaya hindi na ako gumimik ng Friday at Saturday para bigay-todo ang pagiging tourguide ko sa kanya.

Oo, pinagpalit ko ang Eraserheads, wasakan party sa Ortigas, at isang mistulang bootycall para sa bestfriend ko.

Dinala ko siya sa UP at pinagtuturo ko sa kanya ang mga lugar kung saan ako dati nag-art classes, nag-grad studies, nagpaka-nerd, nagfoodtrip, at nagmaganda. Gusto ko sana siyang dalhin sa Lagoon dahil alam kong matutuwa siya sa serenity ng place, wala lang sana kaming makitang nagtitirahan sa likod ng mga nagtataasang puno. Eh kaso lang, umambon. Kaya hanggang Sunken Garden lang siya, SC, at UP chapel. Pagkatapos naming alalahanin si Eunice at kumain ng tapsilog sa Rodic’s, bumuhos ang sobrang lakas na ulan. Malas talaga si Jap. Malas. Mukha kaming tanga na sumugod sa waiting shed para pumara ng IKOT. Pagdating namin sa Bahay ng Alumni, gusto ko ng ibuhos yung mainit na kape sa legs ko dahil sa lamig.

Gabi na at hindi na masayang gumala pa sa UP, lumipat kami sa may ABS-CBN, para hanapin ang Esquinita at para makasalubong si John Lloyd Cruz. Eh dahil malas nga si Jap, hindi namin nakita si lloydie at napag-alaman naming sarado ang Esquinita ‘pag Sunday.

Ang bruha kelangan daw may picture siya sa harap ng Pinoy Big Brother house.

Hindi kami makaalis Mother Ignacia na hindi ako binibigyan ni Jap ng kahihiyan.

Actually, may picture din ako.

Hehehe.

Pumunta kami sa Off the Grill after para sa cheap drinks at live band. Dahil feeling ko girl na girl ako with my newly cut hair, ako ay nag-Sangria. (Tapos, Mojito.) Si Cat Piss, nag-Bailey’s. Adik talaga.

Habang tinutugtog ng 7 Years After ang Too Close, naalala ko ang 1998. Naalala ko rin na 10 years ago, nakilala ko si Jap at nasira ang buhay ko at naging magkaibigan kami. Kaya, by accident, nai-celebrate namin ang 1 decade of friendship namin nung Sunday. Hiyehey! Napagtiyagaan ko si Pussy Litter ng sampung taon!

Simpleng celebration lang: daldalan, konting alcohol, semi-foodtrip, late 90’s covers mula sa bandang may vocalist na badingerzie na pinagmistulang stand-up comedy ang 2nd set.

Jap, kung nababasa mo ito, ibalik mo sa akin ang Cosmo ko. Wag ka mangupit ng page dun sa 69 Most Gorgeous Bachelors na copy!

And again, happy 10th year. Kahit late ka paulit ulit at lagi kitang nasusungitan, lam mo naman na mahal na mahal na mahal na mahal kita. šŸ™‚

* Para sa mga readers, Cat Piss at Pussy Litter ang tawag ko kay Janice May “Jap” Aquino Hernandez dahil may farm animals kaming kalokohan sa barkada. Mahilig siya sa mga pusa, kaya ayun. Ako ang aso ng grupo. Ito ay dahil sa aking fierce loyalty at bitchy nature. Hahahaha.

—–

listening to: Miley Cyrus – 7 Things

Previous Post
Leave a comment

13 Comments

  1. Anonymous

     /  September 4, 2008

    awww! congrats on you both for 10 years of friendship!

    next QC trip karerin nyo ang circle, pero umaga, wag gabi! šŸ™‚
    bike bike!

    Reply
  2. joko

     /  September 4, 2008

    okey ako yang nasa taas

    Reply
  3. thanks joko! šŸ™‚ dadalhin ko rin si jap sa oz for the pita. :p

    Reply
  4. joko

     /  September 4, 2008

    ay OZ!!! gusto ko ng Tuna na pita!!
    isaw! dalhin mo si japs sa isaw! di ko alam kung nasan na nalipat ang nasa may Ilang-ilang!
    at siyempre, dalhin mo na rin sa Beach House
    .. at isama mo na rin ang Lagoon, feed the ducks. bow.

    Dalhin mo na rn sa BA, for free wi-fi. (ano daw?wahaha)

    at sobrang gusto ko ng RODIC’S. Kanin!!! 😦

    Reply
  5. meron sa ilang and kalayaan pa rin…

    naku noh. sunday kasi kami pumunta kaya madaming hindi open. tapos umulan pa! next time, next time! šŸ™‚

    woohoo sarap sa rodic’s! šŸ˜€ nakakain ka na ba sa chateau verde? di ko pa ren sya napupuntahan. :\

    Reply
  6. joko

     /  September 4, 2008

    ay nakakain na yata ako.
    pero hindi tumatak.

    bow.
    kain kayo dun sa kainan ng UP Mountaineers! sa may Sara’s!

    Reply
  7. jap

     /  September 7, 2008

    i loved everyting about this article except for the cat piss part…. =)

    Reply
  8. Inez

     /  September 23, 2008

    Wehehehe šŸ™‚ Long time, no see.

    Congratulations sa sampung taong pagkakaibigan!

    Malapit na din ulit ang birthday mo! šŸ˜€

    Reply
  9. inez: thanks! ewww. im not really psyched to turn 27. weh. *shudders*

    Reply
  10. inez

     /  September 25, 2008

    hahaha actually, pinaalala ko ksi di ko pa rin natatanggap yong painting. hahahahaha šŸ˜›

    my new number pala is, 09179335896. naiwan ko yong phone ko sa sunken graden isang Sabado kaya wala na yong luma. :))

    Reply
  11. yep. i already have a new number.

    my good painting stuff is in bataan. sana pag-uwi ko dun, makapagpaint ako. hindi puro kain lang inaatupag ko at pamimitas ng bayabas…

    Reply
  12. hi…im jamie 8 years old. grad-4, from iloilo city. na gandahan ako sa pag imbita mo sa mga tao na mag punta don sa restaurant, dahil masarap ang pag kain at siguro maganda ang lugar.

    Reply
  1. Adios, 2008! « psychosomaticaddictinsane

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: