Sabi ko, ARTICULATE.

Pinagtawanan ako ng pinsan ng highschool besty ko. Mataas daw standards ko. Sabi ko naman, “Ano’ng mataas sa tall, dark and handsome? Fine. Tall, presentable and articulate ok na!”

Sabi ba naman, “Articulate? You mean, bolero.”

Take note. Period and end ng sentence. Hindi question mark.

Articulate sabi eh. Pero sige, aminin nating mga girls (and mga boys rin naman at times) kahit alam nating bola, kinikilig tayo. Part talaga ng human psyche na gusto nating nabubutter-up ang ego natin. At talagang nagmarunong pa ako ng slight. Psyche-psyche pa akong nalalaman.

Ok lang na bolero basta articulate.

Isipin mo naman kung bolahin ka tapos saksakan ng bobo ang syntax, semantics at kung anik-anik pa ng grammar.

Isipin mo kung mahiritan ka ng, “I like you beycause I teenk your seyxeh and easy to go along wit.”

Putakte. Dun ka na lang sa articulate na bolero, di’ba?

Basta ako, dun na ako.

—–

listening to: a replay of his string of pambobolas in my mind *kilig*

%d bloggers like this: