SHOWTIME: Havey na Havey!!!

For the 2nd time, our team, Team EPERFORMAX Recruitment got invited to be part of Showtime’s audience last January 6. I was thrilled to be inside the studio again because I really had fun in our first visit. Grabe sa Showtime, hindi pa nagro-roll ang camera, masaya na! While we’re waiting for the show to start, tinuturuan na kami ng dance steps nila Tito Mel (Feliciano) and Master J aka Papa Piolo and Sam Milby. At dahil hindi talaga kaya ng powers ko na sumayaw in public, ‘yung steps lang from That’s The Way Uhuh Uhuh I like It ang na-absorb ko. :p Dinadaan ko na lang sa hiyaw at sigaw para hindi naman nila masabi na wala akong participation! :p Also, ang mga hyper kasi ang mga malamang gawing contestants sa games kaya nag-attempt ako maging well-behaved (plastik!!!) kasi hindi rin kaya ng powers ko na mapressure sa pagsagot ng mga tanong at baka magkamali pa ako, buong mundo ang makakakita. :p 

The show started and it was great to see Kuya Kim, Anne, Vice Ganda, Jugs and Teddy again. Too bad Vhong the birthday boy wasn’t there. Nasa shooting yata for Bulong. Ang mga hurado para sa linggong yun na kasama ni Vige Ganda (aka Bangs Ganda… dahil ang mga tunay na magaganda daw ay nakabangs) ay sina Mickey Ferriols, Karylle, Paolo Hubalde at Ryan Bang. Ang pretty ni Mickey in person at kahit na baduy ang knock knock jokes niya, natawa pa rin ako kasi sabi nga nila A for Effort. Si Karylle, maganda pero personally, mas maganda at mas malakas ang dating ng kanyang mommy dear na si Zsa Zsa Padilla.  Si Karylle ang pinakadetalyadong magbigay ng comments sa mga performances ng groups. So, kudos to her for that! Si Ryan Bang… well… ayun. OA kung OA pero funny naman. Parang nagpapak ng isang sako ng asukal sa sobrang pagka-energetic. And speaking of energetic, natawa ako dahil pinagbawal na ni Vice na lumabas sa bibig ni Paolo ang salitang energy. Hindi ko gusto magjudge si Paolo, pero infernez naman, natuwa ako sa pagiging game niya sa loveteam nila ni Vice. At mas natuwa ako dahil nasilayan ko rin ang abs niya. :p

Sa mga hosts, shempre naman si Kuya Kim, walang kupas ang pagiging awesome. I’m happy that he still remembers me. Epekto siguro ng madalas na pagtanong ko sa kanya sa Twitter about trivia. Bilib talaga ako sa pagiging resilient ni Kuya Kim kasi recent lang yung operation that he underwent, bigay todo pa rin siya sa hosting, dancing at well… singing. LOL. Salamat nga pala kay Kuya Kim for giving me 30 seconds of fame when I helped him with the 2nd trivia for that show. More importantly, salamat sa kanya at sinabi niya na pwede akong mag-artista. Naniniwala ako sa kanya. Haha.

Si Anne Curtis, ok lang naman kumanta kahit na lagi niyang jino-joke na parang wala siyang karapatang bumirit on-air. Anne Curtis is gorgeous in person and walang kaduda-duda na siya talaga ang DIYOSA ng Philippine showbiz.. ‘yung iba, mukhang kahoy lang talaga. Vhong wasn’t there, but she was able to take on the stage alone. I remember, nung nasa GMA 7 pa siya, hindi ko siya nakitahan ng potential at all to be great. ABS-CBN can really make things happen. Mukha rin naman talagang pinagbutihan ni Anne na gumaling sa craft niyang ‘yan. More power to you, Anne. At sana sa susunod na punta ko sa Showtime, ay makapagpapicture na ako with you. LOL

Jugs and Teddy. Hindi ko na sila paghihiwalayin… they are great individually but together they are the bomb! :p Sayang walang Himigsikan when we went there, ang saya siguro makijamming sa kanila. Who would have thought that these two vocalists from Itchyworms and Rocksteddy could make it this BIG? Talented naman kasi talaga sila, na kahit hindi na ganoon ang ningning ng band scene ngayon, may magandang lugar pa rin sila sa showbiz. I was pleasantly surprised na bukod sa magaling silang musikero, promising actors din pala sila! :p

At shempre pa, si Vice Ganda. Kaloka si Vice. Ang bilis talaga ng utak. Kasing bilis siguro niya tumakbo as Petra. Naaalala ko siya dati na naging guest sa Sharon, mga 3-4 years ago. Kasama niya noon si Kitkat at Tuesday Vargas. Hindi pa siya sobrang sikat noon pero napatawa na niya ako. (Si Kitkat lang ang nag-iisang walang naidulot na saya sa buhay ko sa episode na iyon. Blah.) Sana hindi totoo yung mga sinasabi ng iba na yumayabang na si Vice, kasi with her talent, isa talaga siyang asset ng industry. Sana hindi lang bangs niya ang nagpapaganda sa kanya, sana pati na rin ang ugali niya. 🙂 Way to go, Vice!

Dumako naman tayo sa contests. The groups that performed were all good. Halatang pinag-isipan nila ang performance nila na sayaw/kanta/spoof ng mga teleserye-movies-atbp. I hope that more kids (?) would spend time in performing arts than doing drugs. Seryoso iyan. One of my relatives just got brought to rehab and it’s not a laughing matter. Kung sana may mga naging kabarkada siya na mga dancers at inimpluwensyahan sya, eh di sana pinasali ko na lang sila sa Showtime kesa sa shabu siya bumaling. The winning group performed a spoof of 300. Spartans talaga sila. May malaking tsinelas na Spartan sa likod ng set at ang abs nila na painted ay kulay dilaw. sabi nga ni Vice, mukhang bulok na isaw. LOL Ang fabulous nila. Ang creative talaga ng mga Pinoy and likas na magaling sa comedy. 🙂 Kaya naman ang group nila, nakakuha ng perfect 10 from all the judges and madlang people!

Sa sample-sample naman, may contortionist, may singing couple at Lady Gaga impersonator. Win si Lady Gaga (or Gagita) kasi naman para siyang nagmala-Sadako sa bandang huli. Itsurang lalabas sa Shake Rattle and Roll.

May nagsample-sample rin sa group namin, si Jepoy, pamangkin ni Boss Vincci. Infernez sa batang yun, kuntodo yugyog. Umaatikabong 8,000php tuloy ang nakuha niya. May nagtext nga sa akin. Bakit daw hindi ako nagsample-sample? Hello, anong isasample ko? BLOGGING? Haha.

Meron ding new games, yung huhulaan ng contestants yung sagot from the acting of the hosts and the Showtime Lolos. With special participation pa dito si Jonas (yung coordinator na contact namin). bet na bet ko itong portion na ito. Dito nga kasi naglabasan ang acting skills ng mga hosts. :p Ang winner para dito eh derecho sa Final round na tinatawag na Bulong. Bubulungan kasi siya ng sagot ng mga select members of the audience. Ang sagot dito was BOY ABUNDA. Sa test run, SYLVESTER naman. Naku, kung may guts sana akong sumali, wala pang 5seconds, kaya ko nang sagutin ang mga tanong!

The show ended around 3 and we were all smiling from our 2nd Showtime experience. Great job to the cast and crew! Great job, ABS-CBN. Showtime is infinitely better than Wowowee. I watched Wowowee last year and I was extremely disappointed. Ang sungit ni Willie at ng mga hosts. Si RR at Mariel lang ang friendly. Wala si Pokey noon, nasa US yata. Hindi ko mai-compare ang Showtime sa Win na Win kasi I only watched its last episode. Sana mailagay kahit na once a week sila Pokwang and K Brosas sa Showtime. Feeling ko, patok sila doon. 🙂

Kumakalam na ang mga sikmura namin when we stepped out of ABS-CBN. We ate before the show, but natunaw na kinain namin dahil sa pagsayaw at pagcheer. We went to Mister Kebab to eat and talk about our favorite Showtime moments. At shempre pa, almost all of us were singing the LSS na mahirap matanggal… “This is your show, This is your time… Magpasikat ka… it’s SHOWTIME!”

—–

Thanks to Vincci Larang for the pictures!

Thanks to my friends who watched, especially those TFC subscribers na nag-abang talaga para kantyawan ako. Hehe.

If you wanna watch the january 6 episode again, you can look for it here: www.pinoytambayan.tv

=)

—–

listening to: Showtime Theme

%d bloggers like this: