Wala akong sinakyan at sinuntok at sinalo.
Wala lang akong maisip na ibang title para sa post na gusto kong ikwento ang last 3 movies na napanood ko sa sinehan. :p
1. Red Riding Hood
Two reasons why I wanted to see this: crush ko si Amanda Seyfried and gusto ko malaman kung sino si Big Bad Wolf.
So-so lang ang story. Parang mala-Twilight ang feel. Nung lumabas ang werewolf, napasigaw ako ng “Jacoobbb!!! is that you?” Haha, I know, nakakahiya. Anyway, sa Cash & Carry naman kami nanood so hindi masyadong skandalo. :p Medyo predictable ang story. Unlike Joko, hindi ko naman naisip agad na yung tatay pala nung female protagonist ang wolf. Basta sure ako na hindi yung 2 hot guys na nakaaligid sa character ni Amanda.
Close to nil ang takot/gulat factor ng movie na ito. Paano ko nasabi? Hindi ako tumili kahit isang beses, at hindi ko napaghahahampas yung katabi ko. (Good for him, hehe.) Hindi ko naman pinagsisihan na pinanood ko ito kasi ang hot ni Shiloh Fernandez at ang gwapo ni Max Irons. Ngayon, pwede na ako tumili! Eeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!! :p
Max as Henry and Shiloh as Peter. Wala sa kanila ang werewolf.
2. Sucker Punch
Leche. Ang tagal ko pa naman hinintay itong movie na ito. What a disappointment. Hindi ako nairita na mababaw ang storya nung 20-year old na baliw na pumupunta sa fantasy state na nasa brothel s’ya as a dancer at pumapasok uli sa isa pang fantasy world na kung saan nagiging kickass fighter siya. Nairita ako kasi umeffort pa sila na gawing deep ang istorya. FAIL naman. Tssshhh. Crappy Screenplay. Para lang itong isang sobrang habang trippy music video.
Sana pumikit na lang ako at pinakinggan ang soundtrack– which by the way is the only redeeming factor of this movie. Bjork! Led Zep! sana si Emily Browning kumanta na lang at hindi na sumayaw. Haaaayyy.
Well, fine. Natuwa rin pala ako nung sinapak at binaril yung character ni Vanessa Hudgens aka Blondie. :p Oh, and, of all the Sucker Punch girls, I like Sweet pea, because she’s blonde, sexy and reminds me of a young Marcia Cross.
Abby Cornish is hot!!!
3. Catch Me… I’m in Love
Seriously, ayoko nanonood ng Tagalog movies, lalo na ng romantic Tagalog movies. HOP talaga ang gusto kong panoorin, napilit lang ako ng girlfriends ko na ito ang panoorin. What you won’t do, you’d do for love nga naman. Hindi naman ako fan ni Sarah Geronimo at Gerald Anderson. But, oh well. Ang mahal pa ng ticket sa Trinoma, 200php. Buti na lang may libreng Selecta ice cream. Kaso lang hindi ko naman nagustuhan yung Reese’s na flavor. Blech.
Steady lang ang story ng Catch Me. Son of the president falls for an ordinary girl… bullshit na hindi nangyayari sa tunay na buhay kumbaga. In fairness lang sa mga bida, kahit physically hindi sila bagay, sa galing nilang umarte, nadala pa rin at nagka-chemistry. Yes, ilang beses ako kinilig at sinisiko-siko ko pa si Carla each time kinikilig ako. :p Masama pa rin ang loob ko na hindi Hop ang pinanood namin until it came to the scene where Gerald Anderson’s character FELL IN THE MUD AND TOOK OFF HIS SHIRT.
OO. HUBAD. SA. PUTIKAN. Well, bukirin yun but whatever.
Noong nakita ko ang abs ni Gerald, nasabi ko na lang sa friends ko na, “Buti na lang hindi tayo nanood ng Hop!!!”
Am I exaggerating?
NO. Look and tell me hindi mo gustong ikaskas ang cheek mo sa abs na ‘yan. ‘Wag kang plastik, babatukan kita.
=)
—–
listening to: Feist – 1 2 3 4
jokoness
/ April 4, 2011check!!! winner ang balbas/scruffy look ni gerald talga. =)
at ang nakakaloka dyan iya, kasama mo ako sa 3 movie na yan! 🙂 haha! love you mommy bunny! 🙂
Tricia
/ April 4, 2011Hahahahaha! Natawa ko sa Gerald Anderson quip mo. Na-imagine naman kasi kitang kinakaskas ang iyong cheks sa abs ni Gerald. LOL.
Question: Red Riding Hood ended up with whom??
marikit
/ April 4, 2011Thanks for the reviews. I wanted to watch Red Riding Hood and Sucker Punch, but now I think I’ll wait for the DVD.
kassy
/ April 5, 2011GOSH!!!! I really really really got myself glued on my seat and mega tutok watching the movie! 😀 at dahil dyan, hinahanting ko na maging friends with Gerald Anderson (c’mon showbiz friends!!!) at dahil dyan, napa add na sa twitter account – CHEAP KUNG CHEAP PERO HINDI CHEAP ANG KATAWAN NA YAN! HAHA and THE GLARE!!
*faints*
Okay, bagay ang Gerald Anderson posing at ang Sucker Punch OST together. bet mo? HAHAHA!
emily
/ April 6, 2011when i saw the sucker punch trailer, it reminded me of the “spice up your life” vid ng spice girls!
happylittlegirl
/ April 17, 2011From your descriptions, ang pinakagusto kong panoorin ay si Gerald Anderson sa putikan. Hahaha!