Ang Masasabi Ko Tungkol sa Ang Babae sa Septic Tank

“Ang Babae sa Septic Tank chronicles a day in the life of three ambitious, passionate but misguided filmmakers as they set out to do a quick pre-prod at Starbucks, a courtesy call to their lead actress, Eugene Domingo, and an ocular inspection of their film’s major location, the Payatas dumpsite. Director Rainier, Producer Bingbong and Production Assistant Jocelyn are well-to-do, well-educated film school graduates who are dead set on making an Oscar worthy film.” Read entire synopsis here.

Inaamin ko. Hindi talaga ako fan ng local movies pero noong nalaman ko ang tungkol sa Cinemalaya entry na Ang Babae Sa Septic Tank, sinabi ko sa sarili ko na “Shet, papanoorin ko ‘yan”.

At ito ang mga dahilan ko:

1. Para naman masabi na naka-experience ako ng Cinemalaya.

Hindi ako nakapanood mismo sa week ng festival dahil busy-busyhan ako sa trabaho, but at least, um-attempt ako na makibahagi naman sa local indie scene. Second time ko pala ito, ang una ay noong nabihag ako ng Dagim mula sa genius director na si Joaquin Pedro Valdes. Nanood nga pala ako ng ABSST sa Powerplant. Sold out na kasi sa Glorietta. Good job.

2. Hello?! Title pa lang, palong-palo na.

Kahit Septic Tank lang yata ipangalan dito, gaganahan na akong panoorin. Kahit Babae sa Tae, papanoorin ko pa rin. Astig ang title. Hindi kagaya nang mga bwakanangkorni na pausong titles ng mga palabas sa tv tulad ng Guns & Roses, Bantatay, at ng Happy Yipee Yehey. Sa mga pelikula naman, imberna yung mga title na galing sa mga kanta– Let the Love Begin, Miss You Like Crazy, and ang saksak-puso-tulo-ang-dugo na One More Chance. Seriously, WTF? Itigil na ‘yan.

3. Eugene Domingo. Miss Eugene Domingo. THE Miss Eugene Domingo.

Lingid sa kaalaman ng maraming tao, matagal na sa showbiz si Ms. Eugene Domingo. Hindi pa siya mini-MISS Eugene ay fan na niya kami ng Mama ko. Nanonood lang kami dati ng 2002 painfully dragging soap ni Claudine Barretto na Sa Dulo Ng Walang Hanggang dahil kay Simang, ang funny character of course ni Miss Eugene. Pero ‘wag ka. Nasa Valiente rin kaya siya. O diba! So old school! Confident ako na maraming mag-a-agree sa akin na matagal na niyang na-dethrone sa pagiging Comedy Queen si Miss Ai Ai Delas Alas. favorite ko pa rin si Ai Ai, I just think Eugene is 10x better.

4. Kean Cipriano

Curious ako kung may ibubuga nga ba si Kean sa pag-arte. Naaalala ko lang kasi si Kean na kumakanta ng Stars, ‘yung unang hit ng banda niyang Callalily. Totoy na totoy pa siya noon. I remember, some time 2006, nasa Starbucks kami while waiting for our friends from another band na ka-label nila. I was talking to him and he kept on saying “po”. Sabi ko, isang “po” pa ang sabihin niya sa akin, ihahampas ko na ”yung plaque (for 6CycleMind) na hawak niya sa ulo niya. He smiled that super cute boyish smile and said, “Ok, hindi na ako magsasabi ng po. Ok po?” Dapat that time nalaman ko na na may future talaga siya sa comedy. In fairness, ok ang arte niya sa isang comedy film. Sa mga scenes na kailangang maging intense, dala rin niya. Doesn’t hurt na maganda rin yung biceps niya. Awwww, the baby is now… not a baby. Hehe.

5. Dahil kinukwento pa lang sa akin ‘yung istorya, natatawa na ako.

Napanood ng mga bosses ko ang Babae sa Septic tank noong mismong festival week. Hindi sila mapigilang maghagalpakan sa tawa sa sumunod na araw na nagkita-kita kami sa office. Dahil hindi naman ako asar sa spoilers, nagpakwento ako kung ano ba ang meron sa ABSST. Kwento naman sila. At doon pa lang, hindi na ako makahinga sa kakatawa. Diosmeh. Lalo na doon sa 3 Types of Acting. Achieve talaga yung TV Patrol acting. I thought, kung sa narration pa nga lang ng ibang tao, tawang-tawa na ako, what more kung ako mismo ang makapanood, tama? Tama.

So ‘yun nga. Nanood kami ng mga kaibigan ko kagabi sa Powerplant at wala akong maipintas sa pelikulang ito. Start to finish, absolute perfection. Kinabog nito ang Tanging Ina, Kimmy Dora, at Here Comes The Bride para sa akin. Pansin mo ba lahat ng movies na ‘yan, kasama si Eugene? Sabi nga ng boss ko, para sa kanya, pati Harry Potter 7, kinabog nito. :p

Cai Cortez as the PA, Kean Cipriano as Direk Rainier and JM De GUzman as Bingbong the Producer

Ang buong cast ay perfect. Almost perfect. Ang husay nung mga taga skwater, lalo na yung batang lalake na anak ni Mila. Si JM De Guzman rin pala, in fairness, magaling. Cutie rin. Hindi ko kasi siya ma-appreciate sa remake ng Mula sa Puso. Thumbs up siya sa comedy, pero hindi pa niya ka-level si Rico Yan sa drama imho. 🙂 Yung PA lang naman nila sa movie yung hindi ko na-appreciate. Kung asar ang dapat maramdaman ng viewer sa role niya, well congratulations, nagampanan pala niya ng mahusay ang role niya. Pero kung hindi pala ‘yun ang silbi ng role, sorry. Siya lang rin ‘yung hindi ko gusto sa cast ng Here Comes The Bride. Anyway, nasiyahan rin ako sa cameo ng isa pang de-kalibreng artista- si Miss Cherry Pie Picache. Medyo nahilo ako sa scenes nila ni Eugene pero ok lang, worth it pa rin.

Hindi nga lang ito matatawag na comedy. Drama rin ito at musical. Oo, musical rin ito. Kung paano, manood ka na lang para ma-gets mo. Nakakatuwa na naipakita ng mga film makers ang sitwasyon ng lipunan, ang glimpse ng indie film making, buhay ng isang artista, at kung anu-ano pa sa isang makabuluhan at kakaibang paraan. Deserving talaga ang Cinemalaya entry na ito na magkaron ng wide commercial release. Ito ang tipo ng film na hindi dapat pinaguusapan lang sa blogs at nakakubli lamang sa knowledge ng kaunting mga tao. Dapat ito, pinapapanood sa buong bayan.

This film has taste regardless of the septic tank. Shet na istoryang ‘yan. Ang bangis talaga. Wow. WOOOOOOWWWW!!! More powers to the cast and crew! Manood ng pelikula para malaman ang istorya ng sinadya kong i-bold at i-italize. 

Sa sobrang sulit nitong pelikula na ito, kahit hindi rin ako supporter ng pagbili ng original dvds, bibili ako ng original dvd nito. =)

—–

Congratulations kina Direk Marlon Rivera, Writer/Producer Chris Martinez, Miss Eugene Domingo and buong cast and crew sa mga awards na nakuha nila mula sa Cinemalaya. Congratulations rin dahil napatawa niyo nang bonggang-bongga kaming mga manonood. Check na check ito. Sana masundan niyo ito kaagad.

—–

listening to: Sabaw… Sabaw… (in my head)

%d bloggers like this: