Hello, Echo.

I have nothing to say but…

After (literally) 10 years, I finally met Jericho Rosales.

And I’m pretty happy about it. =)

—–

listening to: Kid Cudi – Day n Nite

Sa Panaginip Na Lang

Napanaginipan kita. Nasa loob tayo ng kotse mo. Background music ang Clarity ni John Mayer yata. Tinanong daw kita kung ano ang nangyari at bakit bigla ka na lang nawala. Mahinahon naman ako sa tanong ko. Nagsisimula ka pa lang sumagot (o magdahilan) tinamaan ka na ng kamao ko. Hindi ko mapigilan. Sa bawat salita (kasinungalingan) na lumabas sa bibig mo may katapat na pananakit mula sa akin. Wala na daw akong pakialam kung saan tumama. Tinamaan kita sa mukha, sa dibdib, sa braso. Hindi na ako nagtaka na sa panaginip na ito, hindi ka na sumubok man lang na sanggain ang mga pananakit ko.

Nagising ako na nakangiti.

Ang gaan sa pakiramdam na kahit sa panaginip, nagantihan kita.

—–

listening to: Placebo – Ask For Answers

%d bloggers like this: