Hinahanap-hanap

May mga bagay ako na hinahanap-hanap. Tulad sa pulutan.

Matakaw ako. Saksakan ko ng hilig kumain, pero may mga tulad ng tokwa’t baboy, crispy kangkong, chicken wings (hassle lang simutin) at fish and chips (may angal? kung gusto kong pulutan ito?) na lagi kong gustong kapareha ng inumin kong beer, kahit anong may vodka, o actually… kahit anong matatamaan ako. Kahit pa gin bulag.┬áNapaparami ang kain ko kapag mga ganito ang mga nasa hapag kainan. Keber sa diet. Tataba kung tataba. bawal ang tumatanggi sa grasya.

image

May mga bagay ako na hinahanap-hanap. Tulad sa pagkakaibigan.

Nabiyayan ako ng marami-raming grupo ng mga kaibigan– sa trabaho, sa church, at sa kung anu-ano pang mga lugar kung saan ako napadpad. Pero ang college barkada ko pa rin ang lagi kong binabalik-balikan. Sila ang grupo ng mga tao na kilala ako– kabaitan at kamalditahan pero mahal pa rin ako. Marami sa amin, nasa ibang bansa na o busy-busyhan sa trabaho o pamilya, pero panigurado na pag nagkita-kita, parang hindi naman kami nagkalayo. tatawa pa rin sa mga lumang jokes. Masesenti pa rin sa kahit ilang beses nang inulit-ulit kung paano nakilala ang isa’t-isa.

image

Ilang beses ko na itong sinabi at hindi ko ito pagsasawaang ulitin. Salamat sa Diyos sa masasarap na pagkain at mabubuting mga kaibigan.

—-

Ang mga litratong ito ay kuha kagabi, sa mini-get together sa tavern Asia sa BF Homes (ang lugar na hinahanap-hanap ko rin madalas) namin para kay Joel. Ang baby bro namin na nagbabakasyon dito from Sg. We love you, bro!

=)

—–

listening to: El Debarge – Starlight Express (‘pag nagroadtrip sa CamSur, Bicol express… Bicol express…)

%d bloggers like this: