Hinahanap-hanap

May mga bagay ako na hinahanap-hanap. Tulad sa pulutan.

Matakaw ako. Saksakan ko ng hilig kumain, pero may mga tulad ng tokwa’t baboy, crispy kangkong, chicken wings (hassle lang simutin) at fish and chips (may angal? kung gusto kong pulutan ito?) na lagi kong gustong kapareha ng inumin kong beer, kahit anong may vodka, o actually… kahit anong matatamaan ako. Kahit pa gin bulag. Napaparami ang kain ko kapag mga ganito ang mga nasa hapag kainan. Keber sa diet. Tataba kung tataba. bawal ang tumatanggi sa grasya.

image

May mga bagay ako na hinahanap-hanap. Tulad sa pagkakaibigan.

Nabiyayan ako ng marami-raming grupo ng mga kaibigan– sa trabaho, sa church, at sa kung anu-ano pang mga lugar kung saan ako napadpad. Pero ang college barkada ko pa rin ang lagi kong binabalik-balikan. Sila ang grupo ng mga tao na kilala ako– kabaitan at kamalditahan pero mahal pa rin ako. Marami sa amin, nasa ibang bansa na o busy-busyhan sa trabaho o pamilya, pero panigurado na pag nagkita-kita, parang hindi naman kami nagkalayo. tatawa pa rin sa mga lumang jokes. Masesenti pa rin sa kahit ilang beses nang inulit-ulit kung paano nakilala ang isa’t-isa.

image

Ilang beses ko na itong sinabi at hindi ko ito pagsasawaang ulitin. Salamat sa Diyos sa masasarap na pagkain at mabubuting mga kaibigan.

—-

Ang mga litratong ito ay kuha kagabi, sa mini-get together sa tavern Asia sa BF Homes (ang lugar na hinahanap-hanap ko rin madalas) namin para kay Joel. Ang baby bro namin na nagbabakasyon dito from Sg. We love you, bro!

=)

—–

listening to: El Debarge – Starlight Express (‘pag nagroadtrip sa CamSur, Bicol express… Bicol express…)

Advertisements
Previous Post
Leave a comment

5 Comments

  1. Egis "MrSimpatiko" Velasco ☺

     /  April 3, 2012

    Yung picture nung nakaGreen sa taas na girl taga San Pedro LAGUNA sya?La lang…I think she looks familiar lang….

    Reply
  2. It’s high school friends for me, Iya. Walang kupas din friendship with them. 🙂

    Reply
    • ayos! napapakanta tuloy ako ng highschool life oh my highschool life kay exciting kay saya… highschool days oh my highschool days… :p

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: