Friday Five: Malulupit na Linya

Halos isang buwan akong hindi nakapagsulat. Daming ginagawa. Dami ring mga bagay na hindi pa ako handang ikwento dito. Ayoko lang abutin ng saktong isang buwan na hindi ko man lang mailagay itong mga sinabi sa akin ng mga tao sa nagdaang 4 na linggo na nakawindang sa akin…

1. “Hindi makita ang projector. Nasaan na ang projector?” – Boss Ace

Pagod na pagod ako mula sa event namin sa office at nakahilata na sa kama para magpahinga noong nakita ko ang message na ‘yan ng boss ko. Hindi ako burara sa gamit at ibinilin ko ng mabuti ang projector sa tao namin kaya para akong nagka-mini heart attack nang matanggap ko ang text na ‘yan. Naknangtokwa. Hindi ako ‘yung tipo na nakakawala ng gamit. Lalo na, mahal pang gamit. Pabalik na sana ako ng office para ako mismo ang humalughog sa buong lugar para makita ang projector nang makatanggap ako uli ng text na, “Ok na. Nakita na. May nagpasok pala sa cabinet.” *WHEW*

2. “‘Pag hindi ka nakahanap (ng kainan sa may España, Manila na nagbebenta ng exotic food), gagawin mong profile picture for 1 week si Justin Bieber.” – Atty. Argel

Hindi ako nakahanap kaya kung napansin niyo, isang linggo akong dumanas ng kahindik-hindik na kahihiyan na Justin Bieber ang pagmumukha ko sa Fb. Bakit kasi nag-call ako sa pustahan, eh laking Sampaloc naman pala ‘yung kapustahan ko. Akala tuloy ng ibang tao, nagbabaliw-baliwan ako kaya pinalitan ko ang profile pic ko. May mga tao pa na muntikan akong mai-unfriend dahil doon. And worse, may mga tao na ang nicknames sa akin ngayon are JB and Biebs. Pakkshet. Impulsive gambling is one of my personality defects. At least, I gave them something to talk and laugh about. :p

3. “Ang problema kasi sa iyo, nagse-set ka ng sobrang high standards. Tapos, ‘pag may dumating na ganon sa buhay mo, ikaw na rin mismo naglalagay ng barriers.” – Archenemy Dave

In fairness kay David, kahit na saksakan siya ng salbahe sa akin, naniniwala naman ako na good judge of character siya MOST OF THE TIME. Hindi nga lang ako nag-a-agree sa sinabi niyang ito tungkol sa akin. Sure, I set high standards. Bakit naman hindi? Naniniwala naman ako that I deserve to be with a great person. Hindi naman perfect person ang hinahanap ko. I’m just waiting for the right person for me. At barriers? Bakit naman ako maglalagay ng barriers? Problema na nung lalake ‘yon kung pakiramdam niya eh gumagawa ako ng invisible wall around me. Kung gusto niya ako, tibagin niya ang pader. Pero seryoso, wala akong pader na nilalagay. O wala nga ba talaga? Pati tuloy ako, nagdududa na sa sarili ko.

4. “Kapag natapos na ang 3-day rule, dapat consistent na ang lalake sa pagpaparamdam.” – Love Idol Jem

‘Yan ang sabi sa akin ni Jempots nang mapag-usapan namin ang nagbabagang topic na panliligaw. Bakit kailangan magwonder yung babae kung interesado sa kanya kung interesado naman talaga? Hindi naman porke interesado, liligawan na siya. Para sa akin, lack of courtesy sa babae ang rule na ito. But then again, baka nga naman may magandang rason ang lalake para i-follow pa ‘yan sa panahong ito. Kung ang rason niya eh para hindi siya magmukhang overeager, it’s cute but it’s dubious. At sa sinabi naman ni Jem, ewan ko. Hindi ako lalake kaya hindi ko alam kung totoo ‘yan. Pero may point siya. Kung ang lalake ay nagpapaka-inconsistent sa pagpaparamdam sa buhay mo, hindi nga yata magandang senyales ‘yan. At sa mundo ko rin, being inconsistent is a red flag behaviour.

5. “Ang puti-puti mo ngayon. Ang payat-payat mo pa!” – Gradeschool Classmate Jonah

Nagulat ako dito kasi kahit kelan naman, hindi ako naging nognog at mataba. Makes me wonder kung ano pang characteristics ko ang nagbago sa paningin ng mga taong matagal na akong hindi nakita. One thing’s for sure. Ang ganda-ganda-ganda kong bata dati. Ngayon, maganda na lang. LOL

Hey you, bored person reading this… Happy Friday! I hope this weekend will not be a windang weekend for me and you.

—–

listening to: Color Me Badd – All 4 Love

Next Post
Leave a comment

4 Comments

  1. mark

     /  July 9, 2012

    hahahahahaha @ #3. mga babae talaga!

    Reply
  2. “ang nicknames sa akin ngayon are JB and Biebs. Pakkshet.” – hihi, nakakatuwa ‘to… 😉 hello, iya!

    Reply
  1. Friday Five: Hindi Ka Niya Gusto « Iya Santos Online

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: