Five Things About The Mistress

image{the cast of The Mistress}

1. Ayoko sanang panoorin ito kahit pa ang daming magagandang reviews kasi may cringe factor ‘yung age gap ni Bea Alonzo at Ronaldo Valdez. Ano ba. Hindi niyo ba naaalala na siya ang lolo ni Cedie?

2. Napilitan ako manood dahil gusto manood ng pinsan ko na lumuwas pa ng Maynila mula sa Bataan. Ang galing ng cast. Grabe. Tutok na tutok ako sa lahat ng eksena lalo na sa mga eksena na kasama si Hilda Koronel. I love her. Btw, hindi ko talaga naatim tignan ang love scenes nila Bea at Mr. Valdez. Pumikit ako at nagtalukbong ng shawl.

3. Ay, John Lloyd. *buntong hininga* Gustong-gusto ko ang karakter niya dito as JD/Eric. Straight forward, romantiko, well-dressed. Attractive ang noo ni John Lloyd. Gusto ko lang sabihin pero hindi niyo pwede malaman kung bakit.

4. Simpleng istorya na madating. Na-appreciate ko na wala itong “fantasy” ending. Gusto ko rin ang mga confrontation scenes. Tama lang rin ang sulpot ng mga nakakatawang eksena at sundot ng mga parte na paluluhain ka.

5. Popoy and Basha > JD and Sari Maganda ang kalidad ng The Mistress pero hindi pa rin nito kayang patumbahin ang bigat ng One More Chance. Kahit pa may love scenes si Bea at Lloydie sa TM, wala pa rin ito kumpara sa mga batuhan ng linya sa OMC.

Ito ang paborito kong dialogue sa The Mistress:

Sari: Ang kunwari ba pwedeng maging totoo?
JD: Kung gusto mo.
Sari: Natatakot akong maniwala.
JD: Release your fears, Sari.

Buti na lang diyan na ako nakaka-relate at hindi na sa “Sana ako pa rin. Ako na lang. Ako na lang ulit.” HAHAHAHA

—–

listening to: Parokya ni Edgar – Halaga

Leave a comment

4 Comments

  1. Hindi ko kinaya ang love scene! Napa sigaw ako ng “Ewww!” sa Eastwood nung nanood ako. Sana man lang mas bata ng slight. Mga Christopher De Leon levels naman sana. Pero wagi talaga si Hilda Koronel. Grabe!

    Reply
  2. Gusto kong panoorin ito! As in! Pero parang hintayin ko na lang kaya sa Cinema One? Parang ilang buwan lang, ipapalabas na agad sa cable.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: