so freaking baaaaadddd!
Sa saliw ng tugtugin nito ni Bruno Mars, tumaya ako sa 6/55 Lotto kagabi. Napilit lang ako ni Eunice. Hindi niya kasi ako tinantanan hanggang hindi ako sumabay sa pagtaya niya. Hindi naman talaga ako mahilig sa sugal. Hindi ko sinasabing hindi ako nagsusugal. Hindi lang talaga ako mahilig. Sa pustahang kape sa pusoy dos, piso-piso sa tong-its, at pitikan ng tenga sa unggoy-ungguyan lang ako nasanay. Well, ‘nung bata ako, nanalo ako ng P2,000 yata sa jueteng. ‘Yun na ‘yon. ‘Ni hindi ko pa nga nasubukang mag-slot machine sa casino. Pero shempre, pinatos ko na ang pagtaya sa Lotto kagabi. Para naman sa 20 pesos na taya para magka-chance na mapanalunan ang tumataginting na 495 million, go na, di’ba?
Dati, ‘pag nanonood ako ng Duck Tales, tuwang-tuwa ako pag nagsuswimming sa pera si Scrooge McDuck. Pinangarap ko ring gawin ‘yon. ‘Wag naman sana sa barya. Hindi ko naman pinangarap magkapasa. ‘Pag ako ang nanalo ng 495 million pesosesoses, automatic bibigyan ko si Eunice ng 10M dahil siya ang pumilit sa akin mag-join in the fun. Malaki-laki rin ang ibibigay ko sa charity, preferably ‘yung something to do sa pagpapa-aral ng mga matatalinong bata na walang pangtuition. Ibibili ko ng MGA bahay sila Mama and Daddy sa lahat ng lugar na tinirhan namin na hindi naman kami pinalad na magkabahay. Ibibili ko si Mama ng sandamakmak na bling-blings at ipangtatapat ko siya kay Annabelle Rama. Si Daddy, ibibili ko ng vroom-vroom na gusto niya– whatever that may be. Hindi naman namin nakaugalian na pag-usapan ang mga kotse. Lahat ng mga kaibigan ko bibigyan ko ng pera with one rule: ‘wag nilang ipapang-drugs. ipanglalake, okay lang. ‘Wag lang drugs! Bibili ako ng kung anu-anong bagay na hindi ko nagagawang bilhin considering my current state of finances. Unang-una na diyan ay bibili ako ng doll na kamukha nung doll na ninakaw sa akin– si twinkle. Walang pakialaman ng trip. Basta, ‘yun ang gusto ko.
Speaking of pakialamanan ng trip, nairita ako kay Archbishop Emeritus Oscar V. Cruz (of the jueteng chorva fame… or infamy) dahil narinig ko sa radyo noong isang raw na hindi daw dapat tumaya ang mga politiko (same logic, pati ng iba pang mayayaman) sa Lotto. Pagiging GANID daw iyon. Dapat daw, ipaubaya na sa mga mahihirap ang pagtaya dito. Hello?????!?!?!?!?!?!? Hindi naman ako mayaman at hindi naman ako dukha, pero kung mayaman ako, ano naman ngayon ang masama kung gusto ko pang magpayaman? Lalo na kung sa legal naman na kaparaanan! At kung kung mahirap naman ako, maisip ko pa ba na ipambili ng Lotto ticket ang pera na pwede namang mapunta na lang na pambayad sa bigas o instant pansit canton?
Naman, father, ang old school mo! Blessed are the poor my ass. Para sa akin (at malamang para sa mga tao rin na hindi naman iniisip na mapangmata ng mayaman si God), patas lang ang laban ng lahat para sa ambisyon na yumaman at mapaganda ang buhay. And coooome onnnn, ang dami namang mayaman na nagbabanat ng buto para ma-maintain ang ginhawa ng buhay nila. Marami ring mahirap na saksakan ng tamad kaya hindi umuusad ang kabuhayan. Kaya father, don’t be judging. We are not books.
Simple lang naman ‘yan. Lahat tayo may karapatan na tumaya at magdasal na manalo. Sana lang, AKO ANG MANALO. At kung hindi ako ang manalo, sana yung manalo ay BALATUAN AKO.
—–
listening to: Bruno Mars – Billionaire