If you can’t play, display.

Yan ang motto ko sa Baler trip namin nila Joko, Marie, Aimee, Pedro, Jayson at Enzo last month.

Check out the coconut trees. Yep. Mahangin ang dating namin sa Baler. May matandang lalaki kasi na “mayabang” na nagsabi na kaya niyang paarawin sa halagang 20 pesosesoses.

Nakayuko kami para hindi matamaan ng aming mga pretty heads ang mga nakasampay na mga sarong at twalya. Ang pinagpipiyestahan namin dyan ay pancit canton, chicharon at ang ensaladang kamias-itlog maalat-kamatis ni Papa Jay.

Eto naman ang aso na nangangarap maging surfer. Ang alon ng Baler ay hindi pang-beginners. Ilusyonadang arf arf.

Malamang si Enzo ang tinitignan ni Doggie. First time nga palang magsurf ni Enzo niyan. Ako ay nagagalak na hindi siya nilamon ng alon ng tuluyan kahit na ilang beses siyang na-wipeout.

Eto naman ako na pumo-photo-opp bago dungawin ang nangyayari sa karagatan.

At eto naman ang surf shot ko. Bahahahahahahahaha!

And this is with me with my girls and Britney the surfboard. Oo, hindi ako huminga sa shot. Mukha akong butete sa sobrang dami nang nilantak kong pagkain sa weekend na ‘yan.

Sila rin. Maraming chinibog sa weekend na ito. I love Baler. Ang sulit ng pagkain. Nomnomnom. Mabuhay ang Bay’s Inn!

After lumamon, magkape. Mga boys, siguraduhin na ang gamitin na cup ay may bulaklak na design para very manly. Wag kalimutang itaas ang pinky. Para alta ang dating.

Sa pagbalik sa Maynila, kumain sa may highway. Umorder ng madami. Papaitan, lechon paksiw, dinengdeng, dinuguan, kaldereta, gulay na mais.

Pumili ng sosyal na kainan. Tulad ng…

—–

listening to: Does It Offend You, Yeah – We are Rockstars

%d bloggers like this: