Synopsis:
Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa explores the intersection and divergence between feminist and gay concerns in the third world context, as it features the poetry of Merlinda Bobis, Ruth Elynia Mabanglo, Joi Barrios, Rebecca Anonuevo, Benilda Santos and Ophelia Dimalanta. When Marlon, a college student, stalks Karen, his literature professor, he finds out that she moonlights as a choreographer and dance teacher in a dance studio. Frustrated over his performance in her literature class, he plans to impress her instead by learning to poeticize his body movements and enroll in her dance class. He hires his classmate to teach him the basics of dancing. As Dennis, his tutor, teaches him how his body should move, Marlon begins to understand the intersections between the art of poetry and dance. This opens up his world to new insights about the life of Karen as s single woman who chose to live the life of an artist in a third world setting. Marlon begins to understand how the poems being discussed by Karen in class are testaments to her choice to stand by her art. Karen eventually finds out, through Dennis, that Marlon only enrolled in her class to be near her. She confronts Marlon about this and wishes that his interest for dance would survive his infatuation for her. Marlon feels betrayed over Dennis telling Karen. But it is also this sense of betrayal that tells him that he has already become close to Dennis, whom he now considers a friend. Up until then, Marlon and Dennis have become inseparable as they both tackled the complexities of poetry and dance. Sensing the coldness between the two, Karen set them up to help her train a group of dancers for a cotillion dance. Eventually, Karen trains both Marlon and Dennis to star in her dance adaptation of the epic Humadapnon, when she bags a grant. Marlon will play the lead role of Humadapnon, who becomes trapped in a cave full of women. Dennis’ character now has to rescue Marlon from the women, as he plays the role of Sunmasakay, the male incarnation of the goddess Nagmalitong Yawa. On the eve of their performance, in a drunken conversation, Marlon confronts Karen how he could not understand her poetry. Karen, in response, assures Marlon that he does understand her poetry. His mind is just unwilling to, unlike his body which already understands. Karen invites Marlon to dance with her, but in the middle of her dance, she passes him onto Dennis. Their drunken dance culminates with Marlon and Dennis taking on the roles of Humadapnon and Sunmasakay on stage.
– Source: http://www.cinemalaya.org/film_paa.htm
Marahil nagtataka ka kung bakit ginawa kong pula ang ilang pangungusap sa dulo. Siguro iniisip mo, baka ‘yan ang mga paborito kong kaganapan sa pelikula. Pwes, mali ka. Kaya ‘yan nakapula dahil ‘yan ang parte na hindi pinalabas. Hindi naman ako lasing nang pinanonood namin ito ng mga kabibigan ko. Pero sana nga, uminom na lang muna ako, at baka kung may alkohol ang sistema ko, matuwa ako sa Ang Sayaw ng Dalawang Kabilang Paa aka Ang Pinaka-ayaw Ko na Indie Movie.
Sayang. Sayang ang pelikula na ito. Ayos sana dahil…
Makapukaw-atensyon ang titulo nito. Ito ang ikalawang nakakuha ng atensyon ko sa lahat ng kalakok sa Cinemalaya 2011. Una ang Ang Babae sa Septic Tank at ikatlo ang Ligo na U, Dito na Me.
Andito si Madam Claudia Jean Garcia. Sawang-sawa na ako na puro ang papel na binibigay kay Jean sa mga teleserye ay ubod ng bait nanay na nawawalan ng anak o ubod ng samang nanay na nawawalan ng anak. Natuwa ako nang malaman ko na isa siyang guro dito na single. Wala naman akong masabi sa pag-arte ni Jean Garcia. Mahusay talaga siyang aktres.
Hitik ito sa mga Filipinong tula at kanta. Ito marahil ang katangi-tanging ikinatuwa ko sa ASNDKP. Para akong ibinalik sa sarili kong pag-aaral noon ng literaturang Pilipino. Para tuloy gusto kong halukayin sa baul ang mga malamang inaamag ko ng mga libro at magbasa muli ng mga tulang nanunuot sa buto at nangungusap sa diwa. Maganda ang pagkalapat ng musika sa mga tula at kung sino man ang mga nakuha nilang kumanta, dapat silang palakpakan. Congratulations, nanalo daw ito ng Best Musical Score sa festival. Hindi ko akalain na mahahagip ang damdamin ko ng musikang Pilipino na hindi katunog ng Eraserheads o ni Gary V.
Kaso lang… makapukaw atensyon man ang titulo nito, hindi nito nagawang hawakan ang atensyon ko sa loob ng halos 2 oras. Sa gitna pa lang ng pelikula, atat na atat na akong matapos ito para malaman kung ano ang kalalabasan ng relasyon Jean-Marlon at Marlon-Dennis. Buti na lang at nagkape ako bago manood sa Glorietta, dahil kung hindi, pihadong nakatulog ako doon at inirita ang mga kaibigan kong sina Jeeves at Vlad sa paghilik ko.
May dalawang eksena na hindi naman pangit pero napataas ang kilay ko. Una, noong unang ipakita ang classroom, may nakita akong isang babaeng estudyanteng dugyot na naka-skirt at naka-sneakers. Akala ko sa public school sila nag-shoot. Sa FEU pala. Buti na lang maganda naman ang itsura ng mga lugar sa labas ng classroom, mukha ng FEU. Ikalawa, sa pagdating ni Ma’am Karen sa bahay niya, hindi man lang niya sinusi ang pinto. Bukas lang talaga. PERO kakarating lang niya. Ganon ba ka-safe ang sinasabi nyang neighborhood kaya hindi na siya naglo-lock ng bahay?
Nakulangan din ako sa mga interesanteng shots. Masakit sa mata ang kopya. Pangit ng mga kulay. O baka ako lang ito. Ang insiiip ko kasi, ‘pag indie film, art film na rin. At ‘pag art film, kung hindi man maganda dahil sa itsura, nagiging maganda dahil sa karakter. Walang karakter ang karamihan sa mga kuha ng pelikulang ito. Best Cinematography? Bakit?
Mga simpleng bagay lang ito na napansin ko na nakabawas sa pagka-authentic ng mga eksena sa aking opinyon. Dumayo na tayo sa mga hindi kasimplehang bagay na dahilan kung bakit ayaw ko sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.
PAASA ITONG PELIKULA NA ITO. Inuna ko na ‘yan. Kung ihuli ko pa kasi ‘yan, baka isipin mo na ang tanga-tanga ko naman o dapat isipin ko na pwede namang maging isang exposition lamang ang isang indie movie. (Thanks, Vlad!) Hindi naman ako tanga. kaya ko namang sakyan ang mga idea tungkol sa peminismo. Kaya ko naman intindihin ang mga relasyong lalake sa lalake o guro at estudyante. Ayos lang sana ito kung hindi napakadaming eksena na paglalaruan ang isip ng mga manonood at magpapahiwatig ng isang magandang pangako sa dulo ng istorya.
Wala na sana akong pakialam kung hindi na nagsalita ang mga bida. Kahit nga nagsayaw nalang sila at magtitigan, kaya ko na sanang malaman ang pinatunguhan ng istorya base doon. Pero ang panghuling sayaw ay walang naiparamdam sa akin. Kahit ang pagtitinginan nila Dennis at Marlon doon, walang naidulot. Walang naipakitang pagkapoot, pagkasabik, pag-aalala o kung ano pa man. Mas may tensyon pa noong nagsayaw sila sa kotilyon. O dahil siguro nagsasalita sila doon. Ewan ko ba kung bakit pilit gustong kapusin ang mga dayalogo dito. Kung gustong kapusin ang salita, sana isipin na gawing makapangyarihan ang galaw ng mga artista!
Para sa isang katha na inakala ko na may malaking kinalaman ang sayaw para maipahiwatig sa manonood ang istorya, dalawang sayaw lamang doon ang memorable. Yung solo ni Ma’am Karen sa simula. At yung solo ni Dennis noong mukhang nahihirapan siya sa nararamdaman niya kay Marlon. Si Marlon, kahit na sadyang cute ang gumanap sa kanya na si Paulo Avelino ay hindi magalaing sumayaw at lalo na, hindi rin magaling umarte. Buti pa si Rocco Nacino, nakuha ang pagiging payak na estudyante ni Dennis.
Ang huling eksena ay si Marlon na lumuha. Lumuha ba siya dahil hanggang pagkakaibigan lang ang gusto niya kay Dennis? Dahil naramdaman niyang mahal na rin niya si Dennis? Dahil ba natutuwa siya na nakaganap siya sa isang epiko? Dahil ba ramdam niya ang analohiya ng kutsilyo, kaymito at dagta? O dahil saksakan ng panget ang ending? Siguro, kung ipinakita ang eksena na ginawa kong pula sa unang talata, hindi ako umalis ng Glorietta Cinema 4 na nanungayaw at nanghinayang sa dalawang daang piso binayad ko para mapanood ito.
Nagtataka ako kung paano ito nakakuha ng mataas na grado mula sa mga manunuri. Sa bagay, isa lang naman akong blogger na ang paboritong pelikula ay Sister Act. Isang karaniwang manonood na hindi nagtataka kung bakit nasa mahigit-kumulang trentang tao lang kaming nanood nito.
—–
listening to: Negatron’s playlist