I don’t remember much of this year’s Christmas Eve because I was too sleepy and too bored. Sleepy kasi I left Manila for Bataan at 3am. Wala ng tulugan para sureness na maaga sa biyahe at hindi ako mag-Pasko sa daan. Sorry Lord, pero tinulugan ko yata more than half ng simba. Bored kasi parang nag-eat and run lang kami sa Noche Buena kina Lola. Note to self: next year kung kina Lola uli ang noche buena, I’ll organize it. Magkaka-production number na ang bawat pamilya. Kebs na kung kelangan kong kumanta at sumayaw. Mamatay man ako sa hiya or masuka man sila sa diri, eh ano ngayon, pamilya ko naman sila.
sinabitan ni Daddy ng mga parol na gawa ng mga bata at mga ornaments namin sa Christmas tree (Lolo ng street namin si daddy ko, tropa niya mga chikiting patrol ng Morong)
Maffy, Ate Bel and Me… I love my cousins!
Nafeel ko lang yata ang Christmas nung nag-inuman kami ng 2 of my most favorite cousins, Ate Bel and Maffy. Shempre, left-overs ng noche buena plus more ang handa namin. Zinfandel (white, strawberry… yum), Vodka (cheapo vodka you prolly know of as The Bar. In ferla, ok ang green apple), ham, roasted chicken, pansit bijon plus supersarap (ouch sakit ng batok ko) chicharon and balot (na muntikan ako himatayin sa sisiw. yuck. so itim, parang hindi bibe eh. parang uwak.) Hardcore catching up inuman since madalang kami magkita. Naglabas pa si Ate Bel ng ancient pictures. Sakit sa bangs.
Grabe, Maf is so slim now. Kelangan ko nang habulin! :p
Mas nafeel ko ang Christmas when Mama, Daddy and I went to Subic to watch an MMFF entry and to eat at Aristocrat. Yearly tradition kasi namin ‘yan. At dahil 2 movies lang ang showing sa Subic, pinatos na namin ang I Love You, Goodbye kesa naman Panday. In ferla, ok naman ang movie nila Angelica/Derek/Kim/Gabby. In ferla kasi, kahit na predictable ang story, maganda acting nila. Kahit sa acting ni Gabby, hindi sumakit ang ulo ko. Probably because rin ang dami namin nakain nila Daddy na froyo. Good for ze health. Dindin at Aristocrat was great. Parang good ol’ times lang. 🙂
Ang pila sa Time Square Cinema sa Subic for I Love You, Goodbye
post-Christmas/pre-Daddy’s bday dindin
Yun na yon. Yun na ang Christmas ko. Sana mas exciting yung sa’yo.
Belated Merry Christmas to you and you and you!
—–
listening to: kids playing Counter Strike (?) or DOTA (?)