Hinahanap-hanap

May mga bagay ako na hinahanap-hanap. Tulad sa pulutan.

Matakaw ako. Saksakan ko ng hilig kumain, pero may mga tulad ng tokwa’t baboy, crispy kangkong, chicken wings (hassle lang simutin) at fish and chips (may angal? kung gusto kong pulutan ito?) na lagi kong gustong kapareha ng inumin kong beer, kahit anong may vodka, o actually… kahit anong matatamaan ako. Kahit pa gin bulag. Napaparami ang kain ko kapag mga ganito ang mga nasa hapag kainan. Keber sa diet. Tataba kung tataba. bawal ang tumatanggi sa grasya.

image

May mga bagay ako na hinahanap-hanap. Tulad sa pagkakaibigan.

Nabiyayan ako ng marami-raming grupo ng mga kaibigan– sa trabaho, sa church, at sa kung anu-ano pang mga lugar kung saan ako napadpad. Pero ang college barkada ko pa rin ang lagi kong binabalik-balikan. Sila ang grupo ng mga tao na kilala ako– kabaitan at kamalditahan pero mahal pa rin ako. Marami sa amin, nasa ibang bansa na o busy-busyhan sa trabaho o pamilya, pero panigurado na pag nagkita-kita, parang hindi naman kami nagkalayo. tatawa pa rin sa mga lumang jokes. Masesenti pa rin sa kahit ilang beses nang inulit-ulit kung paano nakilala ang isa’t-isa.

image

Ilang beses ko na itong sinabi at hindi ko ito pagsasawaang ulitin. Salamat sa Diyos sa masasarap na pagkain at mabubuting mga kaibigan.

—-

Ang mga litratong ito ay kuha kagabi, sa mini-get together sa tavern Asia sa BF Homes (ang lugar na hinahanap-hanap ko rin madalas) namin para kay Joel. Ang baby bro namin na nagbabakasyon dito from Sg. We love you, bro!

=)

—–

listening to: El Debarge – Starlight Express (‘pag nagroadtrip sa CamSur, Bicol express… Bicol express…)

Hindi ako lalayo. :)

After dinner…

ME: So bro, how do you find him?
JOEL: Ayoko sa kanya.
ME: Huh? WHY?
JOEL: Guapo naman. Matalino naman kausap. Para namang mabait…
ME: Eh bakit ayaw mo?!?!
JOEL: Kasi pakiramdam ko, kung maging boyfriend mo ‘yun, ilalayo ka niya sa barkada. Ilalayo ka niya sa amin.

Awwwww…

I’m so touched and moved.

In Tagalog, nahipo at nagalaw ako.

—–

listening to: Urbandub – Guillotine

Moving on up.

The recently concluded week wasn’t spectacular in different levels, but it surely was better than this one.

I’m okay with not-so-spectacular. I’m just happy that I didn’t let the BS of last, last week get the better of me. I’m moving on up. Going where I’m supposed to go.

Pero hindi naman masyadong up. Heaven na ‘yun eh. :p

—–

Yehey! I’m done with my me-time! Hindi na ako uli antisocial! 🙂

01222008-011.jpg
Tuesday night with Mea
Not
kaladkarin, just socially active.

p50.jpg
Sunday Beauty Bonding with Joel
After ranting about the quasi break-up

2.jpg
Saturday midnight with Anton
Hulaan niyo naman kung ilang taon na siyang nabubuhay sa mundo!

dsc06765.jpg
Saturday night with Joko (and Miki & Carla)
We ate at Le Grand and that deserves a separate post.

 p84.jpg
Sunday noon with Jap
Before meeting up with Donnie at BoNa

Seems that I’m just going around in circles. But trust me, I am moving on up. 🙂

—–

listening to: Eve – Cowboy 

 

Sabay-sabay

Ito ang gabi ng sabay-sabay.

 

tides1.jpg

Sabay naghalo ang init ng ulo ko at pag-aalaala kay Kapatid na Joel nung hinihintay ko siya sa Tides para uminom. Usapan naman kasi alas-9. Aba, perfect! Dumating ng 10:00!

Nung panahong hinihintay ko siya, pinagsabay-sabay ko rin kinain ang grilled frankfurter, nachos at sizzling mushrooms. Pathetic ng konti, kasi mag-isa ako. ‘Yung babae nga sa kabilang table, parang gusto sabihin sa akin na, “Miss, kawawa ka naman mag-isa ka dyan. Wala siguro gusto sumama sa iyo, kasi ang takaw mo!” Hehe.

Pinagsabay ko rin ang Sunrise at Blue Crush. May tequila ang Sunrise. May vodka ang Blue Crush. Eh sira talaga ang ulo ko, kasi alam ko namang magkaka-amats ako ‘pag pinagsama ko ‘yung mga ‘yun.

May sumipang konting amats sa akin sa pakikipagchikahan kay Joel. Ayos naman kasi mas masaya magkwentuhan ‘pag may tama na.

Tapos, nagtext sa akin si Howie. Punta daw sila ng Porch. Sama daw ako. Eh ayoko pumunta dun dahil kasama ko si Joel. Steady na ako sa Tides. So sabi niya, sila na lang daw ni Ed ang punta sa Tides.

Hindi ko naman pag-aari ang Tides, kaya kung gusto nila pumunta eh hindi ko sila mapipigilan di’ba?

Kaya ayun. Sabay dumating si Ed at Howie. Ok na sana eh. Tamang kulit kasi si Ed. Nagpaplano pa kami nung paano gantihan ‘yung tumarantadong asshole sa kaibigan ko. Kaso lang, si Howie umasshole rin.

Paano? Bakit? Pinagdiskitahan na boyfriend ko daw si Joel. Eh hello? Kapatid ko ‘yun. At ano naman ngayon kung kasama ko boyfriend ko? At ano rin ngayon kung wala akong boyfriend? At ano rin ngayon kung ang status (ng utak) ko eh nasa gitna nung dalawang nauna?

At dahil na-establish na hindi ko bf si Joel. Pagdating ni Sandro, siya ang pinagdiskitahan.

Nung sinabi ni Joel na, “Nandito na si Sandro!” halong disbelief at joy ang naramdaman ko. Eh kasi naman, kala ko binubullshit lang ako ni Joel na baka sumunod siya. At sabi ko rin, ‘wag na pasunurin kasi baka bumulagta pa ‘yun sa pagod. Mahirap magbuhat.

Ayun. Ok na sana eh. Gusto ko sana magcatch-up, magpacute, maglambing, mang-asar, magwhatev, but noooooo… may epal sa tabi-tabi. Ang nakakainis pa dun, hindi ko in-expect na asshole si Howie. Kaya mas nakakabwiset. Sinabihan ko pa siya na wag ng humirit dahil magulo na nga. Wag ng dumagdag. Pero nagtatatalak pa rin siya dun. Nanadya pa rin.

So sa tingin ko naman, deserving siya na pinagdududuro at pinagmumumura ko siya doon. Pero slight lang. Baka ma-ban pa ako ng Tides, mahirap maghanap ng panibagong venue para sa birthday ko. Hehe.

Ah basta. Hindi ko alam kung bitter siya o confused. Or baka both.

So after mag-init ang ulo ko, keri na rin kasi napalamig naman ni Joel, Sandro and Ed. Haha so ‘yun nga. Si Howie lang talaga ang salarin.

Uwian time na at sumabay kami ni Joel kay Sandro. Na-prove ni Joel kung gaano siya ka-supportive na friend. Na-prove ko rin na smart talaga si Mr.Lopa at pagdating sa kanya, nagkakaron ako ng episodes ng kabobohan.

Pero binibintang ko pa rin ang mga nasabi kong hindi dapat sa pagsasabay ko ng tequila at vodka.

—–

Sinabay kong i-blog ito habang nagko-callouts.

Sino nagsabi na hindi ako champion multitasker?

Haha. Ako pala.

—–

listening to: J Holiday – Bed

Better Late Than Never Realization and Porch

After several days of thinking real hard, I finally admitted to myself that if there’s someone being unfair to me the most, it’s myself. For someone who’s fond of thinking out of the box and has an affinity to break norms, I allowed myself to be put in a sappy, little box for the past months. Why? Nevermind. I’m saving the reason for a damn long entry.

There are still a lot of things that I can’t change now, because I am not yet ready to change them. And maybe because, I can’t change them on my own. I should just be happy now that I am somehow out of my sappy, little box.

Not far away from it. Just out.

—–

Out.

I was supposed to go to Greenbelt last night with my colleagues, but I didn’t want to watch One More Chance. (Hug kita ‘pag mahulaan mo kung bakit.) Beowulf na lang! And because none of them wanted to watch it with me, I went to Porch with Joel instead.

Jay followed to give me this Rasta Doll he bought from Bora. I still can’t decide what name to give the doll. Hmmm… Marley? Dopey? Aha. Alam ko na. ‘Yung name na lang ‘nung shark sa… Haha. ‘Wag na. :p (Jay, if you’re reading this, thanks sa pasalubong. That’s sweet of you. For that, one week kita hindi aasarin sa age gap natin. Hahaha!)

The two boys talked about boy stuff. (Duhhhh!) Basketball, Alvin Aguilar stuff and gout. Gout? Mwahaha! Ok, ok. Imma shut up now. Oh alright, they taked about man stuff as well. Work, work, work. Without the whining. (Which I missed somehow. Bleh.)

Wala ng saysay itong part na ito ng entry ko. Point is, I had fun last night. It was my much needed breather. I need more nights like it, don’t you think? 🙂

porch1.jpg

Joel texting Tart. (Awww how sweet. Naiinggit ako. Penge nga ng lubid!)

 porch2.jpg

namumula sa blush-on at namumula from Bora

porch3.jpg

the giver and the gift

 porch4.jpg

vanity over safe driving

—–

listening to:  U2 – With or Without You

%d bloggers like this: