Friday Five: Little Iya

I had a pag-iinarte moment last Halloween when I called my Dad to tell him, “Hindi niyo ako mahal!!!” because I did not experience trick or treat when I was a kid. He had to remind me na hindi uso ‘yon sa lugar namin sa Bataan and that nakarami naman ako nang napuntahan ko na mga fiesta. Point taken. :p

I was just kidding when I told him that, you know. I had a wonderful childhood. In fact, I’ve been posting a lot of old photos on my Facebook wall lately just because it makes me remember how much my parents have always loved and adored me. 🙂

Here are my top 5 fave posts:

image
{biik na may mischievous smile, baka basa na lampin ko}

They said I was such a well-behaved baby. I wonder what happened over the years… Bakit MAS well behaved ako ngayon. Hahahah!

image
{gigil sa mukha ni Mama, pakita ng pwet ang pornstar bebe}

It was very easy to make me smile or laugh. Bungisngis daw ako. Obvious naman, di’ba? Hanggang ngayon naman ang babaw ko pa rin.

image
{ebidensiya na mahilig ako sa fried chicken}

Wala daw akong arte sa pagkain. Lahat daw nilalamon ko. But I was not so fond of chocolates and fruits like other kids.

image
{sino nagsasabing mukha akong maldita? angelic kaya. ANGELIC!!!}

SERIOUSLY, I was never spoiled. I was never a brat, too. Errr… okay, sige… slight. Slight lang. Takot ko lang kina Daddy at Mama! Mapapalo talaga ako! My parents were strict until I was in college. Hindi ako makapag-inarte sa kanila dati kaya ngayon ko na lang ginagawa. :p

image
{who’s a daddy’s girl? meeeeee!!!}

I have a lot of kengkoy conversations with my Daddy and I am indeed a daddy’s girl. But hey! I’m a Mama’s girl, too! Wala naman ng alternative si Mama kasi ako lang ang anak nila! Yep, to those who still do not know, I am an only child. Only problem, sabi nga ni Daddy dati. (Loko ‘yun ah. Hehe.)

So, yeah, not being able to dress like a vampire or witch and get candies from the neighbors did not stop me from having a happy childhood. I would still wanna dress up for Halloween next year though! :p

Belated Happy Halloween!

NOVEMBER NA!!!!!! ANG BILIS!

Advance Merry Christmas!

AND OF COURSE… ADVANCE HAPPY BIRTHDAY TO ME! 😀 Cheers to remembering happy times and pressing on to make happiER times!

—–

listening to: Daft Punk – Robot Rock

Christmas 2009

I don’t remember much of this year’s Christmas Eve because I was too sleepy and too bored. Sleepy kasi I left Manila for Bataan at 3am. Wala ng tulugan para sureness na maaga sa biyahe at hindi ako mag-Pasko sa daan. Sorry Lord, pero tinulugan ko yata more than half ng simba. Bored kasi parang nag-eat and run lang kami sa Noche Buena kina Lola. Note to self: next year kung kina Lola uli ang noche buena, I’ll organize it. Magkaka-production number na ang bawat pamilya. Kebs na kung kelangan kong kumanta at sumayaw. Mamatay man ako sa hiya or masuka man sila sa diri, eh ano ngayon, pamilya ko naman sila.


sinabitan ni Daddy ng mga parol na gawa ng mga bata at mga ornaments namin sa Christmas tree (Lolo ng street namin si daddy ko, tropa niya mga chikiting patrol ng Morong)


Maffy, Ate Bel and Me… I love my cousins!

Nafeel ko lang yata ang Christmas nung nag-inuman kami ng 2 of my most favorite cousins, Ate Bel and Maffy. Shempre, left-overs ng noche buena plus more ang handa namin. Zinfandel (white, strawberry… yum), Vodka (cheapo vodka you prolly know of as The Bar. In ferla, ok ang green apple), ham, roasted chicken, pansit bijon plus supersarap (ouch sakit ng batok ko) chicharon and balot (na muntikan ako himatayin sa sisiw. yuck. so itim, parang hindi bibe eh. parang uwak.) Hardcore catching up inuman since madalang kami magkita. Naglabas pa si Ate Bel ng ancient pictures. Sakit sa bangs.


Grabe, Maf is so slim now. Kelangan ko nang habulin! :p

Mas nafeel ko ang Christmas when Mama, Daddy and I went to Subic to watch an MMFF entry and to eat at Aristocrat. Yearly tradition kasi namin ‘yan. At dahil 2 movies lang ang showing sa Subic, pinatos na namin ang I Love You, Goodbye kesa naman Panday. In ferla, ok naman ang movie nila Angelica/Derek/Kim/Gabby. In ferla kasi, kahit na predictable ang story, maganda acting nila. Kahit sa acting ni Gabby, hindi sumakit ang ulo ko. Probably because rin ang dami namin nakain nila Daddy na froyo. Good for ze health. Dindin at Aristocrat was great. Parang good ol’ times lang. 🙂


Ang pila sa Time Square Cinema sa Subic for I Love You, Goodbye


Daddy’s and Mama’s


post-Christmas/pre-Daddy’s bday dindin

Yun na yon. Yun na ang Christmas ko. Sana mas exciting yung sa’yo.

Belated Merry Christmas to you and you and you!

—–

listening to: kids playing Counter Strike (?) or DOTA (?)

%d bloggers like this: