Dahil sawang-sawa na si Jap sa pagmumukha ng Alabang at BF, pumunta at tumambay naman daw kami sa QC. At dahil rin siya lang sa Bene barkada ko ang hindi ako nabisita nung nagmamaster’s ako sa Peyups, binalak niyang dayuhin ako at ang kape sa Chocolate Kiss.
Hindi na ako taga-QC, pero hanggang ngayon, Diliman pa rin ang tinuturing kong 2nd home. (Hindi pa rin nagmamarka ng matindi sa puso ko ang Mandaluyong at ang Morong.)
Medyo nairita ako na Sunday ang gusto niyang araw. Gusto ko lang kasi matulog na parang mantika sa ini-ref na lechon pag Linggo. Alam kong importante kay Jap ang lakad na ito kaya hindi na ako gumimik ng Friday at Saturday para bigay-todo ang pagiging tourguide ko sa kanya.
Oo, pinagpalit ko ang Eraserheads, wasakan party sa Ortigas, at isang mistulang bootycall para sa bestfriend ko.

Dinala ko siya sa UP at pinagtuturo ko sa kanya ang mga lugar kung saan ako dati nag-art classes, nag-grad studies, nagpaka-nerd, nagfoodtrip, at nagmaganda. Gusto ko sana siyang dalhin sa Lagoon dahil alam kong matutuwa siya sa serenity ng place, wala lang sana kaming makitang nagtitirahan sa likod ng mga nagtataasang puno. Eh kaso lang, umambon. Kaya hanggang Sunken Garden lang siya, SC, at UP chapel. Pagkatapos naming alalahanin si Eunice at kumain ng tapsilog sa Rodic’s, bumuhos ang sobrang lakas na ulan. Malas talaga si Jap. Malas. Mukha kaming tanga na sumugod sa waiting shed para pumara ng IKOT. Pagdating namin sa Bahay ng Alumni, gusto ko ng ibuhos yung mainit na kape sa legs ko dahil sa lamig.
Gabi na at hindi na masayang gumala pa sa UP, lumipat kami sa may ABS-CBN, para hanapin ang Esquinita at para makasalubong si John Lloyd Cruz. Eh dahil malas nga si Jap, hindi namin nakita si lloydie at napag-alaman naming sarado ang Esquinita ‘pag Sunday.
Ang bruha kelangan daw may picture siya sa harap ng Pinoy Big Brother house.
Hindi kami makaalis Mother Ignacia na hindi ako binibigyan ni Jap ng kahihiyan.
Actually, may picture din ako.
Hehehe.
Pumunta kami sa Off the Grill after para sa cheap drinks at live band. Dahil feeling ko girl na girl ako with my newly cut hair, ako ay nag-Sangria. (Tapos, Mojito.) Si Cat Piss, nag-Bailey’s. Adik talaga.
Habang tinutugtog ng 7 Years After ang Too Close, naalala ko ang 1998. Naalala ko rin na 10 years ago, nakilala ko si Jap at nasira ang buhay ko at naging magkaibigan kami. Kaya, by accident, nai-celebrate namin ang 1 decade of friendship namin nung Sunday. Hiyehey! Napagtiyagaan ko si Pussy Litter ng sampung taon!

Simpleng celebration lang: daldalan, konting alcohol, semi-foodtrip, late 90’s covers mula sa bandang may vocalist na badingerzie na pinagmistulang stand-up comedy ang 2nd set.
Jap, kung nababasa mo ito, ibalik mo sa akin ang Cosmo ko. Wag ka mangupit ng page dun sa 69 Most Gorgeous Bachelors na copy!
And again, happy 10th year. Kahit late ka paulit ulit at lagi kitang nasusungitan, lam mo naman na mahal na mahal na mahal na mahal kita. 🙂
* Para sa mga readers, Cat Piss at Pussy Litter ang tawag ko kay Janice May “Jap” Aquino Hernandez dahil may farm animals kaming kalokohan sa barkada. Mahilig siya sa mga pusa, kaya ayun. Ako ang aso ng grupo. Ito ay dahil sa aking fierce loyalty at bitchy nature. Hahahaha.
—–
listening to: Miley Cyrus – 7 Things
0.000000
0.000000
Like this:
Like Loading...