Friday Five: Hindi Ka Niya Gusto

Mas malupit pa sa mga linya noong nakaraang linggo ang FRIDAY FIVE ko ngayon. Ito ang version ko ng He’s Just Not That Into You. Ang version ko ay, He’s Really Not Into You. Move On, Get A Fucking Life.

Ito ay dahil may naalala akong conversation na naganap a couple of days ago.

It’s happening again because you’re doing it again!!!
Hello? hindi lang naman ako ang at fault dito noh.
Parang lang ‘yan ‘yong nangyari sa inyo niĀ ___ eh! Akala mo ‘yun na. Akala rin namin, ‘yun na. Pero naging kayo ba? HINDI!!! May gusto ba siya sa iyo? WALA!!!
O, tama na. Masakit na ha. Taaamaaaa naaaaaa!
I’m just saying ‘wag ka na d’yan. Don’t waste your time on him.
Yeah, you’re right. damn it, you’re right.

1. Hindi ka niya tinatawagan o tinetext.
Kahit wrong send lang kuno, wala. Kahit pa forwarded cheesy quote o chain text na nakakamatay, wala. Who cares kung pinaghirapan niyang kunin ang number mo o kinantahan mo siya ng Call Me, Maybe. Basta hindi ka niya kino-contact, ang silbi mo lang ay pampadami ng phonebook entries niya.

2. Hindi ka niya niyayayang lumabas.
Kung ayaw ka niyang makita, ayaw rin niyang maging parte ng buhay mo. Kung yayain ka man niyang lumabas, pero may kasama kayo, ‘wag ka pa rin mag-ilusyon. Ang tao na gusto ka, gusto ka rin dapat solohin. At kapag nasolo ka niya, hindi siya dapat natatakot na kayong dalawa lang.

3. Hindi ka niya inaalalayan.
Big deal ito sa akin, kaya sinama ko ito. Kung makasama mo siya at tumawid kayo sa kalye at hindi siya pumunta sa danger side, wala siyang paki sa iyo. ‘Wag ka na ring umasa na ipaghanda ka niya ng upuan o ipagbukas ng pinto. Kahit pa independent woman ka, gugustuhin mo ba ng hindi gentleman?

4. Hindi ka niya kimukumusta.
Ito ay sa kung nag-uusap man kayo sa Facebook o magkita sa event (hindi ka nga niya tinatawagan o tinetext diba). Kung wala siyang paki sa mga ganap sa buhay mo, asa ka pa na magkakaron siya ng paki sa puso mo. At utang na loob ha. Napaka-accessible ng communication dahil sa social media ngayon. No excuses.

5. Hindi ka niya binibigyan ng oras.
Obvious naman na sa unang apat ko na nabanggit na walang panahon sa iyo yung tao, kaya natural na rin na wala siyang interes sa iyo. ‘Wag kang magpapadala sa sabi-sabi na busy siya. Punyetang excuse lang ‘yan. Ang taong may gusto, kahit na busy, hindi busy. Anti-delusion motto: ‘Pag gusto, may paraan. ‘Pag ayaw, may dahilan.

Mahirap tanggapin ang mga ito lalo na kung gusto mo talaga ‘yung tao, kung gustong-gusto mo na magustuhan ka rin niya. Pero isipin mo lang, maganda na sa maaga pa lang, alam mo na.

‘WAG KA NANG UMAPILA.

Wala siyang gusto sa iyo. Akala mo lang mina-mindgames ka niya.

OK, FINE. Nagtetext siya sa iyo, tinatawagan ka niya, inaalalayan ka niya, lumalabas kayo… kahit ramdam na ramdam mo na the feeling is mutual. Malamang friendly lang ‘yung tao. Baka hindi ka lang nagmamalay, o dine-deny mo lang na you have just been friendzoned. Or worse, bro-zoned (tinawag ka niyang dude o pare).

TANDAAN: HANGGANG HINDI SINASABI SA IYO NA GUSTO KA NIYA, WALA SIYANG GUSTO SA IYO.

—–

listening to: Badly Drawn Boy – Disillusion

%d bloggers like this: